Monday, October 19, 2009

Balik-Bayanihan: Napakahirap Pero Hindi Naman Imposible

May mga kaibigan ko na nagsabing napakahirap pero mabuti ang pagsisikap na ito... na ibalik ang bayanihan sa normal nating pamumuhay bilang mga Pilipino.

Mahirap na kung mahirap! Basta't hindi imposible, mapapangahasan at mapagtiyatiyagaan pa rin natin iyan!

Ang mga nakakakitang mahihirapan nga tayo ay hihingan ko ngayon ng sagot dito-- aling mga hakbang na ating mapagsisimulan ang pinakamahirap at bakit pinakamahirap? Sa pagsagot n'yo rito ay tumutulong na kayo! May pag-asa talagang magtatagumpay tayo, o kahit man lang makakapag-umpisa na tayo, at hindi naman tayo magmamadali nang dahil sa pagiging mainipin, di ba? Sige na po, sabihin n'yo, ano ang dapat naging gawin? Una, sali muna kayo sa Cause Group na Balik-Bayanihan. Pumindot dito: http://apps.facebook.com/causes/345195/79002286?m=611088da

Tapos, i-post n’yo ang mga sagot n’yo. O kaya'y i-post n'yo bilanf comments sa blog na ito. Mag-imbita rin sana ng maraming kaibigan na sumali rin sa Cause Group para dumami tayong mga mag-iisip at magsusumikap na maibalik nga ang Bayanihan! Makasaysayang pagsisikap ito! SALI NA! Palakasin natin ito! Salamat sa inyong lahat!

No comments: