Friday, January 1, 2010

Pangungusap ng Aking Buhay

"Ganap kong kakatawanin, sa buhay kong ito, ang panawagang 'MagpakaTAO at Makipagkapwa-TAO TAYO '." -- Ito ang kabubuo ko pa lamang (ngayong araw na ito) na pangungusap ng aking buhay.

Kaya...
"Magawa ko sanang ngumiti /
Sa aking paghimlay, /
Tuldok sa pangngusap /
Ng aking buhay." //
(ito'y tulang isinulat ko
mahigit 15 taon na ngayon
ang nakararan.)

(Ang konsepto ng "Pangungusap ng Buhay"
ay maihahalintulad sa isang may-kahabaang
pamagat sa sisikapin mong maging saysay
ng buong idadaloy ng iyong salaysay bilang
dahilan at layunin kaya ka isinilang at kaya
mo pinatatagal ang iyong paghinga. Maaaring
marami ang maibunga, gaya ng nakamit mo ang
yaman at bantog na pangalan. Ngunit ang pangu-
ngusap ng iyong buhay ay pinili mong pagtuunan
nga sa iyo't pinakamahalaga mong mga pagsisikap,
at pag-aanihan ng pinakamalaki mong tagumpay.
Saysay ito na ikaw mismo ang pumili para isabuhay.
Hindi tayo nabubuhay para lamang mabuhay. Nasa
konsepto ring ito ang una sa 14 na mga aral ng
Kartilya ng Katipunan ni Emilio Jacinto, na nag-
sasabing:
"Ang buhay na hindi ginugugol sa isang malaki at banal
na kadahilaman ay kahoy na walang lilim, kundi damong
makamandag.")

Pag-isipan po natin ang bagay na ito.

Ed Aurelio (Ding) Reyes
"Balani Bagumbayan"
Disyembre 30, 2009

--------------------------------------------------------------------

2 comments:

Anonymous said...

magandang adhikain subalit kung minsan ay mahirap isabuhay!

Uno said...

magandang adhikain subalit kung minsan ay mahirap isabuhay!