Friday, June 18, 2010

"Kamalaysayan Patrol" 06-19-2010: Mystery in Calamba

Hunyo 19, 2010 ngayon, ika-149 na taong kaarawan ng pagsilang ang isang Pilipinong bantog sa kadakilaan. Siya’y walang iba kundi si Jose Protacio Rizal, kilala rin bilang Dr. Jose P. Rizal, na isinilang sa Calamba, Laguna noong Hunyo 19, 1861. Angkop naman ang petsa ngayong araw na ito sa paglulunsad ngayon ng blog-broadcast ng “Kamalaysayan Patrol,” isang naiibang paglilingkod ng Kaisahan sa Kamalayan sa Kasaysayan o Kamalaysayan para sa buhay na isipan ng mga aktibong mag-isip na mga kabataang may kaugnayan sa makabagong teknolohiya ng impormasyon at komunikasyon o ICT. Nagawan namin ng paraang makapagpadala sa malayu-layong nakaraan ng isa naming reporter, na may dalang isang laptop computer na may solar panels para di na siya kailangang maghanap ng electric sockets sa panahong di pa naimbento ang mga ganoon, at may kapasidad ring magpadala ng blog postings sa ating google account sa pamamagitan ng isinasaksak na broadband USB.
.
. Dapat ay makapagpadala na siya ng panimulang ulat upang sabihin sa atin dito ngayon kung nagawa nga niyang mahanap sa Calamba ng taong 1868 and batang si Pepe Rizal.at nasimulan na niya ang pakikipagkwentuhan dito para mas makilala natin nang ganap ang batang sa paglaki’y magiging Jose Rizal.
May nakuha na po tayo na iisang-linyang mensahe na nagsasabing di pa niya nahahanap ang bata dahil sa dinami-rami raw ng napagtanungan niya ay wala raw nakakakilala sa sinumumang nagngangalang Jose Rizal sa Calamba. Katunayan, wala raw nakakakilala ng sinumang may apelyidong Rizal sa Calamba, at nagtataka siya dahil alam niyang magkakakikala ang halos lahat ng mga taga-Calamba at alam din niyang malaki at prominenteng pamilya sa Calamba ang pamilyang kinasilangan ni Pepe.
.
. Kailangan pa raw muna siyang maghanap ng karagdagang impormasyon ukol sa hiwagang ito bago magpadala ng unang ulat niya sa Kamalaysayan Patrol. Abangan muna natin ito, mga kaibigan, at ipapaalam namin sa inyo sa sandaling makapag-ulat na siya. Tutok lang po sa ating himpilan, mga kaibigan, sapagkat nagsimula na ang ating kakaibang palatuntunang… “Kamalaysayan Patrol”!!!
.
. (Kamalaysayan Features)

No comments: