Wednesday, July 21, 2010

Rizal Course Modules 1-3, 1st Half

Rizal Life & Works
3 units x 12 regular weeks (+ 2 Summarization and Exam weeks)
A. Rizal Life


1. Family & Birth
2. Childhood
3. Teenage Life, Schooling
4. Europe Trip: Purposes & Messages
5. Liga & Dapitan
6. Martyrdom & Hero status

B. Rizal Works
1. Noli – storyline & message, characters, quotes
2. Fili – storyline & message, characters, quotes
3. Essays: Century
4. Essays: Indolence
5. Poetry & Letters
6. Relevance of Rizalism

Buhay ni Rizal
Module 1: (June 17) Mag-anak at Pagsilang
Module 2: (June 24) Pagkabata: Karaniwan o Naiba?
Module 3: (July 1) Pagbibinata at Pag-aaral
Module 4: (July 8) Europa: Kambal-Layunin at Kambal-Mensahe
Module 5: (July 15) Pagtatatag ng Liga, Pagpatapon sa Dapitan
Module 6: (July 22) Pagka-martir at Pagkabayani ni Rizal
(RESCHEDULED for near end of trisem)
Midterms: (July 29) Buhay ni Rizal

Mga Isinulat ni Rizal
Module 7: (July 29) Paglingon sa Noli Me Tangere
Module 8: (Aug.5) Paglingon sa El Filibusterismo
Module 9: (Aug.12) Pagtanaw sa Sansiglong Hinaharap
Module10: (Aug.19) Paghuhusga Niya: Katamaran Nga Ba?
Module11: (Aug.26) Mga Liham at Panulaang Rizal
Module12: (Sept. 2) Nananatiling Kabuluhan ni Rizal
Finals: (Sept. 9) Mga Isinulat ni Rizal

Module 1: (June 17) Mag-anak at Pagsilang
Mga Tanong: (Sasagutin bago magpatuloy sa pagbabasa):
1. Malaki ba ang pamilyang kinasilagan ni Pepe Rizal?
2. Ang kabuhayan ba nila’y sa pagtitinda o sa produksyong pang-agrikultura?

Pambungad:
Kung may news reporter tayo na maaaring ipadala natin sa nakaraan sa isang kathang science fiction na may dalang laptop computer na may kakayahang magpadala ng isang blog posting para sa atin dito sa taóng 2010, may mahahanap kaya niya si Jose Rizal bilang isang bata sa alam nating kinalakhan niyang bayan?
Kung simple lang na makabalik siya sa mga taong 1866, na dapat ay bata nga si Pepe Rizal sa bayang iyon ng Calamba, Laguna, di ba magugulat talaga tayo kapag iulat niya na wala siyang mahanap na batang Pepe o Jose Rizal? Di ba’t magugulat tayong lalo kapat iulat niyang wala siyang mahanap roon na nakakakilala sa sinumang may apelyidong “Rizal”??? Ano??? Walang nakakilala sa sinumang may apelyidong Rizal, samantalang sa pagkakaalam nga natin ay malaking pamilya sina Jose Rizal na isa pa ngang prominenteng pamilya sa Calamba noong kahit musmos pa ang superstar nilang si Dr. Jose Rizal? Paaanong mangyayaring walang mapagtanungan ang reporter natin na nakakakakilala sa sinuman sa kanila?
Pero totoo, bakit kaya? Paanong nagging “never heard” ang apelyidong Rizal sa Calamba noong 1860s’?

Konteksto:
Hindi tayo naniniwalang ang pag-aaral ng kasaysayan ay dapat itinutuon sa pagmeme¬morya ng mga petsa, mga pangalan ng mga tao at pangalan ng mga lugar.
Ngunit (1) sa kalagayang ang pinag-aaralan natin sa unang hati ng sinisimulan nating tri-semester ay buhay ni Jose Rizal, na isa sa pangunahin nating mga bayani bilang sambayanang Pilipino, at (2) sa kalagayan ngayong taon na pumapasok tayo sa ika-150 taon ng kanyang kapanganakan, makabubuti na ring matandaan natin ang iilan lamang namang puntong impormasyon ukol ditto. Ang petsa at lugar na kapanganakan niya ay mahalaga naman para matandaan, kasama na ang ilang batayang impormasyon ukol sa Mag-anak at Pagsilang ng isang Pilipinong itinuturing nating isang tampok na “Pambansang Bayani.”
Ipagpatuloy mo ang pagbabasa at makakasalubong ka ng “clue” o kaya nama’y dagdag pang mysteryo…

Ilang Datos na Sikapin nating Matandaan:
Pamilyang kinasilangan ni Jose Rizal
Pangalan ng Ama: Francisco Mercado (hmm! Baka narito ang maaaring pinagmulan ng “misteryo” na nasa itaas.
Pangalan ng Ina: Teodora Alonso y Realonda. Realonda ang “maternal surname” niya, apelyido ng nanay niya.
Araw ng Kapanganakan: Hunyo 19, 1861 (sa 2011 ang ika-150 kaarawan niya)
Bayang Pinagsilangan: Calamba, Laguna (doon ay prominenteng pamilyang maylupa ang pamilya)

Kinagisnan niyang mga kapatid:
Limang Ate:
1. Saturnina (ipinanganak noong 1850)
2. Narcisa (1852)
3.Olympia (1855)
4. Lucia (1857)
5. Maria (1859)
Isang Kuya (iisang kapatid na lalaki) :
1. Paciano (1851)
Sumunod pang mga kapatid:
1. Concepcion (1862)
2. Josefa (1865)
3. Trinidad (1868)
4. Soledad (1870)

Module 2: (June 24) Pagkabata: Karaniwan o Naiba?
Mga Tanong:
1. Ilang kwento tungkol sa pagkabata ni Rizal ang iyo nang narinig o nabasa?
Sa karamihan ba sa mga ito’y ipinakikitang si Rizal ay ibang-iba mula noong siya ay bata pa?
2. Ang pagkabayani ba ng isang tao ay dapat masimulan na sa kamusmusan niya?
3. Ibig bang sabihi’y wala nang pag-asang maging bayani ang mga batang baluktot?

Pambungad: MAY ANIM NA KUWENTONG MADALAS NA NAISASAMA KAPAG PINAG-AARALAN ANG PAGKABATA NI RIZAL. Hindi naman nakabatay sa mga dokumentong pangkasaysayan ang bawat isa sa mga ito, ngunit hindi rin naman sila napapatunayang haka-haka o kaya’y inimbento lamang. May mahalagang mga aral ang bawat isa, na maaaring talakayin di man mapatunayang ang kuwento mismo ay totoo. Ang anim na kuwento ay narito…

A. Gamu-gamo at ang Lampara
Binabasahan ng kanyang ina ang batang si Pepe Rizal ng mga kwento mula sa aklat na Kaibigan ng mga Bata, at ang binabasa noon ay ang tungkol sa batang gamu-gamo na naakit sa ganda ng poy sa lampara at lumipad nang masyadong malapit sa maliwanag na apoy. Nagbabala sa anak ang inang gamu-gamo na huwag itong lalapit nang gaano sa napakainit na apoy ngunit hindi siya sinunod nito, hanggang sa madrang sa apoy ang kanyang munting mga pakpak at sa pagliyab ng mga ito, siya aynasunog rin at tuluyang namatay. Karaniwang bata ba siya o sadyang ibang-iba sa ibang bata sa kuwentong ito? Ipaliwanag nang lubusan ang iyong kasagutan.

B. Mga Tsinelas sa Ilog
Minsa’y naglalakbay si Pepe at bumabaybay sa Ilog Pasig ang sinssakyan niyang malaking bangka. Bigla na lamang nahulog sa tubig ang isa sa suot niyang mga tsinelas at mabilis na tinangay ng agos papalayo sa sasakyan. Sa halip na umiyak at ipakuha ang nahulog na tsinelas sa mga kasama niya sa bangka, kinuha niya ang isa pang tsinelas mula sa kanyang paa, at ihinagis ito upang makaabot sa kaparis na unang nahulog. Tinsnong siya ng mga nakakita kung bakit niya ginawa iyon. Paliwanag niya: Kung may makapulot ng iisang tsinelas na nahulog niya ay di ito mapapakinabangan dahil wala itong kaparis. Wala na ring silbi ang iisang tsinelas na naiwan sa kanya. Kaya napinagsama ang dalawa para may pakinabang sa makakapulot sa kanilang dalawa, sinuman siya. Karaniwang bata ba siya o sadyang ibang-iba sa ibang bata sa kuwentong ito? Ipaliwanag nang lubusan ang iyong kasagutan.

C. Tula Ukol sa Wika
May patimpalak noon sa Calamba sa mga mag-aaral na makasusulat ng pinaka-magandang tula sa wikang Tagalog, at lumahok dito ang batang si Pepe Rizal na sisiyam na taong gulang pa lamang noon. Nagwagi ng unang gantimpala ang tula niyang Sa Aking mga Kababata na nagtataglay ng mga linyang “Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay masahol pa sa hayop o malandang isda.” Karaniwang bata ba siya o sadyang ibang-iba sa ibang bata sa kuwentong ito? Ipaliwanag nang lubusan ang iyong kasagutan.

D. Sariling mga Pigurin
Minsa’y naglalaro ng clay ang batang si Pepe, at naghuhubog siya ng mga maliliit na monumento o pigurin. Napansin nilang ang binubuo niya’y sarili niyang maliliit na monumento, at kinagalitan nila ang ipinagpalagay na kayabangan lamang niya. Sumagot siya’t nagsabing sa hinaharap magkakaroon siya ng napakasaming monumento, isang pahayag na nagkatotoo. Ang hindi pa napagkakaisahan ng mga dalubhasa ay kung natsambahan lang niya ito o may kakayahan talaga siyang tumnaw sa hinaharap. Ngayon nga’y may monumento siya sa harap ng munisipyo sa lahat ng bayan sa buong kapuluan. Karaniwang bata ba siya o sadyang ibang-iba sa ibang bata sa kuwentong ito? Ipaliwanag nang lubusan ang iyong kasagutan.

E. Kalupitan sa Mahal na Ina
Minsa’y pinagbintangan ang ina ni Pepe na kasangkot daw ito sa mga nagbalak at nagsagawa ng pagpatay sa isang kamag-anak. Pinuntahan ng mga guardia civil si Donya Trodora sa bahay nila sa Calamba, at sapilitang pnaglakad nang walang sapin sa paa sa mabatong landas sa malayong distansya ng Calamba hangang sa kapitoyo ng Sta. Cruz, Laguna. Masakit ngunit tiniis ni Pepe ang tagpong iyon. Masakit dahil sa mahal na mahal ni Pepe ang kanyang ina na noo’y ginagawan ng pagmamalupit. At pagkamuhi naman ang kanyang nadama para sa mga opisyal at tauhan ng pamahalaang Kastila na di niya kinakitaan ng dahilan upang igalang. Karaniwang bata ba siya o sadyang ibang-iba sa ibang bata sa kuwentong ito? Ipaliwanag nang lubusan ang iyong kasagutan.

F. Idolo ng Kanyang Idolo
Ganap ang paghanga ng batang si Pepe Rizal sa kuya niyang si Paciano, at masasabing idolo nga niya ito. Ngunit ang idolo niyang si Kuya Paciano ay may sarili pang idolo. Labis-labis din ang paghangang iniukol ni Paciano Mercado sa isang paring mestiso na namumuno noon sa pagpoprotesta ng mga paring Pilipino sa trato sa kanila ng Simbahang Katoliko na pinamumunuan ng mga obispo at paring Kastila. Segunda-klaseng mga pari raw ang mga paring sa Pilipinas isinilang at nag-aral dahil ang mga Pilipino raw ay Segunda-klaseng mga tao. Bunga ng kanyang mga isinusulat na naggigiit sa pagkakapantay ng lahat ng mga pari anuman ang kulay ng balat, pinag-initan ng mga opisyal na Kastila si Padre Jose Burgos, kura-paroko ng San Pedro Makati. At nang magrebelde ang mga sundalo sa Cavite, idiniin at isinangkot si Padre Burgos at dalawang iba pang paring Pilipino na sina Padre Gomez at Padre Zamora. Kulang-kulang labing-isang taong gulang si Pepe nang patayin sa sakal ng garote ang tatlong paring “Gom-Bur-Za” at pati ang mga Pilipinong malapit sa kanila ay minanmanan at pinag-initan ng awtoridad. Isa rito si Paciano Mercado na kuya ni Pepe, kaya’t bago pumasok sa Ateneo Municipal sa Intramuros, Maynila ay binago ni Pepe ang kanyang apelyido. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagkaroon ng apelyidong “Rizal” sa Calamba, Laguna. Ininda ni Pepe ang ginawang pagparusa ng kamatayan sa mga paring Gom-Bur-Za. Naipaliwanag sa kanya ng kanyang kuya ang dahilan nito at nagpupuyos ang kanyang damdamin sa kawalang-katarungan ng pangyayari. Paglaon, nang matapos niya ang ikalawang nobela niyang El Filibusterismo, iniaalay niya ang nobelang ito sa alaala ng tatlong pari. Karaniwang bata ba siya o sadyang ibang-iba sa ibang bata sa kuwentong ito? Ipaliwanag nang lubusan ang iyong kasagutan.
Bago pinatay si Padre Jose Burgos, mayroon siyang isang katulong at kaibigan na pinagpaliwanagan niya ukol sa kilusan sa loob ng Simbahan para bigyan ng nararapat na pagkilala at kapangyarihan ang mga paring mestiso at katutubo. Binigyan din niya ito ng mga tungkulin sa nasabing kilusan. Nang si Burgos ay mapag-initan ng mga awtoridad ng Simbahan at Pamahalaang kolonyal, pinag-initan din ng mga ito ang nasabing kaibigan at “kanang kamay,” na nagngangalang Paciano Mercado, kuya ni Pepe Mercado. Kaya bago maglakbay patungong Maynila si Pepe, binigyan siya ng isang bagong apelyido para di makilala sa Maynila na kapatid siya ni Paciano. Maluwag pa noon ang patakaran sa mga apelyido. Ang ipinalit ng pangalan ay Rizal, isang lumang katagang Espanyol na may kahulugang “luntian,” at nababagay sa agrikultura na hanapbuhay nila. Ang Mercado o palengke ay mas nababagay sa mga pamilyang nasa komersyo. Noong umpisa, si Pepe lang ang naging Rizal. Paglaon, buong pamilya na ang gumamit ng apelyidong ito.

Module 3: (July 1) Pagbibinata at Pag-aaral
Mga Tanong:
1. Sa aling mga paaralan nag-aral si Rizal sa kanyang pagbibinata?
2. Ano ang naging motibo niya sa pag-aaral nang mabuti?
3. Ano ang pinakasukatan niya sa mahusay na pagtuturo?
Babasahin: Kabuluhan ng Pag-aaral tungo sa Mahusay na Paglilingkod
Ang pag-aaral sa antas na primarya (una hanggang ikaapat na baytang) sa elementarya ay nakuha ni Pepe Rizal sa kanyang sariling ina na siyang tumayo bilang pinakaguro niya. Ang katumbas naman ng antas na intermedya (ika-5 at ika-6 na baytang) ay kinuha niya sa paaralan ng niyang tiyo sa kalapit-bayang Biñan, sakop pa rin ng lalawigang Laguna. Para makapag-aral ng katumbas ng high school natin ngayon, lumipat siya mula sa Laguna patungong Intramuros, Maynila na kinaroroonan ng Ateneo Municipal, isang paaralan ng mga paring Heswita.
Naging kagustuhan ni Pepe ang mag-aral upang matutunan niya sa paglaon ang panggagamot sa mga mata ng kanyang ina, na noo’y nasa pangsnib na mabulag. Sa kagustuhsn niyang maging mahusay na tagapaglingkod sa pamamagitan ng panggagamot, ipinasya ni Pere Rizal na magsipag at magpakahusay sa pag-aaral, bagay na nagustuhsn naman sa kanya ng mga Heswita, na may kahawig na pananaw sa pag-aaral (para matutong talaga at maging mahusay sa paglilingkod. Naging istilo ng mga ito sa pagtuturo ang pagsusulong ng malayang talakayan.. Kaya sa Ateneo ay naging kaibigan ni Pepe ang mga guro niyang Heswita. Ibang-iba naman ang naging karanasan ni Pepe nang magkolehiyo siya sa Universided de Sto. Tomas. Ang paraan ng pagtuturo sa UST ay nakasentro sa pagmememorya at pagpapairal ng istriktong disiplina. Sa UST, ang mga paring Dominikano, bilang mga guro ay may paggigiiit na sila lamang ang tama. Walang malayang mga talakayan at pati ang pagkakaroon ng mga instrumentong gaya ng microscope ay pakitang-tao lang at di ipinagamit sa mga mag-aaral. Dahil sa mga kadahilananag ito, hindi nagustuhan ni Pepe Rizal ang pag-aaral niya sa UST, at siya naman ay kanilang pinag-initan.
Ukol naman sa binatilyong si Pepe at ang karanasan sa pag-ibig, naging una niyang pag-ibig si Segundina Katigbak, kaedad siya at may namuong pag-uugnayang “m.u.” sa pagitan nila. Ngunit naipagkasundo na ng mga magulang si Segundina na ipapakasal sa isang mayaman pagdating ng hustong gulang. Ipinasya naman ng dalagita na suwayin ang kasunduan at nagsagawa siya ng pakikipagkalas sa lalaking ipinagkasundo na sa kanya. Hindi sumang-ayon si Pepe sa ginawang ito ni Segunda dahil pagsuway daw ang ganoon sa magulang at lipunan, kaya’t kahit malaya na ang dalagita ay hindi niya tuluyan itong niligawan. May isa pang pag-ibig sa buhay ni Pepe Rizal sa pananhong iyon. Nagkagustuhan sila ng isa niyang malayong pinsan na nagngangalang Leonor Rivera. Kahit malapit sila kay Pepe, sa pag-isip na kasalanan ang anumang pag-iibigan ng sinumang magkakamag-anak, kahit malayo na, hinadlangan nila ang pag-uugnayan nina Pepe at Leonor. Kinasapakat pa ng ina ni Leonor ang tagapangasiwa ng koreo sa kanilang bayan upang siya (ang ina) ang makakuha ng anumang liham sa pagitan ni Pepe at Leonor. Paglaon ay sumulat ng mga nobela di Rizal, at ang pangunahing tauhang si Maria Clara ay ibinatay niya sa pagkatao ni Leonor Rivera. Paglaon pa, ipinagkasundo ng ina ni Leonor na maipakasal sa isang dayuhang inhinyero.
Matapos ng pag-aaral sa UST, nagpasya si Rizal na upang maging mahusay na doktor ay kailangn niyang mag-aral sa Europa. Pumayag rito ang kanyang Kuya Paciano ngunit naggiit ito kay Pepe ng isang kasunduang nagsasabing magtutuon sa pag-aaral at pagtataguyod sa interes ng Pilipinas at hindi siya maaaring mag-asawa. Sumang-ayon sa ganoong ksdunduan si Pepe at biglaang nilalayuan ang mga babaeng napalapit sa kanya sa Europa. Kahit maraming dalaga ang mga napalapit sa kanya at nakagustuhan niya, dahil sa kasunduan ay di niya pinaabot ang mga relasyong ito sa pagtagal at sa pag-aasawa.

No comments: