Sunday, July 10, 2011

Kamayan Forum July 15: Successful Plastics Ban in Muntinlupa

Kamayan Forum, July 15:
Muntinlupa Ban on Plastics, 'Styros' a big success!

ALMOST HALF A YEAR after Muntinlupa City banned the use of plastic and styrofoam containers from being used in the city’s business establishments, especially in the food service industry, the city is happy to report success in preventing the incidence of flooding during the recent heavily rainy days, and also in addressing a big hazard on human health. Muntinlupa was lauded by Metro Manila Development Authority (MMDA) chairman Francis Tolentino last January after the City Council passed the ordinance. Tolentino said “I laud the City Government of Muntinlupa, under the visionary leadership of Mayor Aldrin San Pedro for initiating this bold move for the sake of our environment.”

He added that he would push for the adoption of this measure as a model ordinance to be adopted by the fifteen other cities and one municipality comprising Metropolitan Manila, and exhorted other mayors throughout the Philippines to do the same. By now the city is ready to tell all why and how they did it.

This information will be shared at the 21-year-old Kamayan para sa Kalikasan monthly forum at Kamayan-Saisaki-Dads Restaurant (marked K in map below) along EDSA (near SEC/Ortigas), Mandaluyong City, this coming third Friday, July 15. Convened jointly by the Clear Communicators for the Environment (CLEAR) and the SanibLakas ng mga Aktibong Lingkod ng Inang Kalikasan (SALIKA) with full sponsorship from Kamayan, the forum runs from 10:30 a.m. to 2 p.m., in three distinct (non- interchangable) portions, and all those in attendance are given time at the microphones for their respective straight-to-the-point questions and comments.

Representing Mayor San Pedro at this coming Friday’s 257th session will be Al L. Cosio, head of the city’s Environment Sanitation Center. The Ecological Waste (Eco-Waste) Coalition will send its program officer on Zero-Waste, Ms. Christina Vergara, and Mr. Rafael Lopez will attend as the campaigner of the Global Alliance for Incinerator Alternatives (GAIA) Task Force on Plastics. SALIKA Founding President Marie R. Marciano will moderate and synthesize.

This message is brought to you by:

To read environmentalist articles from the Ecological Society of the Philippines,

please click at the JRS Express logo.

Thursday, July 7, 2011

Kamayan Forum July 15: Successful Plastics Ban

Kamayan Forum, July 15:
Muntinlupa Ban on Plastics, 'Styros' a big success!

ALMOST HALF A YEAR after Muntinlupa City banned the use of plastic and styrofoam containers from being used in the city’s business establishments, especially in the food service industry, the city is happy to report success in preventing the incidence of flooding during the recent heavily rainy days, and also in addressing a big hazard on human health. Muntinlupa was lauded by Metro Manila Development Authority (MMDA) chairman Francis Tolentino last January after the City Council passed the ordinance. Tolentino said “I laud the City Government of Muntinlupa, under the visionary leadership of Mayor Aldrin San Pedro for initiating this bold move for the sake of our environment.”

He added that he would push for the adoption of this measure as a model ordinance to be adopted by the fifteen other cities and one municipality comprising Metropolitan Manila, and exhorted other mayors throughout the Philippines to do the same. By now the city is ready to tell all why and how they did it.

This information will be shared at the 21-year-old Kamayan para sa Kalikasan monthly forum at Kamayan-Saisaki-Dads Restaurant (marked K in map) along EDSA (near SEC/Ortigas), Mandaluyong City, this coming third Friday, July 15. Convened jointly by the Clear Communicators for the Environment (CLEAR) and the SanibLakas ng mga Aktibong Lingkod ng Inang Kalikasan (SALIKA) with full sponsorship from Kamayan, the forum runs from 10:30 a.m. to 2 p.m., in three distinct (non- interchangable) portions, and all those in attendance are given time at the microphones for their respective straight-to-the-point questions and comments.

Representing Mayor San Pedro at this coming Friday’s 257th session will be Al L. Cosio, head of the city’s Environment Sanitation Center. The Ecological Waste (Eco-Waste) Coalition will send its program officer on Zero-Waste, Ms. Christina Vergara, and Mr. Rafael Lopez will attend as the campaigner of the Global Alliance for Incinerator Alternatives (GAIA) Task Force on Plastics. SALIKA Founding President Marie R. Marciano will moderate and synthesize.

Paanyaya sa Lahat ng Pilipino: Kilalanin, Yakapin ang Kartilya ng Katipunan




Makasaysayang Paanyaya sa Lahat ng mga Pilipino
Ukol sa Kartilya ng Katipunan

NGAYONG GABI ng Hulyo 7, 2011, ika-119 na kaarawan ng pagtatag ng Kataas-taasang, Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan, inaanyayahan kayo ng Kamalaysayan (Kaisahan sa Kamalayan sa Kasaysayan) at ng DakiLahi Facebook Group na kilalanin at mahigpit na yakapin (upang maisabuhay at pursigidong maipalaganap) ang 14 na mga aral sa "Kartilya ng Katipunan," na isinulat ni Emilio Jacinto.
.
Upang maidaos ninyo ang "Usapang Kartilya--Usapang Marangal," maikling bersyon ng isang solemnong seremonya ukol sa "Kartilya," mag-click po dito.

Ang lahat ng interesadong makapag-aral ukol sa dokumentong ito ("Kartilya") ay maaaring pumindot naman dito.
Upang mabasa naman ang buong itinatakbo ng kumpletong seremonyang "Pagtitipon ng mga Anak ng Bayan" (na karaniwang tumatagal nang mahigit isang oras), mag-click naman dito. [Para makabalik sa blog na ito, pumindot lamang sa "pakaliwang arrow" sa kaliwang itaas na kanto ng screen.]

Ilalabas namin ang blog na ito bilang paalala sa lahat tuwing petsa-syete ng buwan o sa bisperas nito. Ang mga magpapaabot sa amin ng sagot na sumasang-ayon ay bibigyan namin ng priyoridad sa paniniyak na ito'y makarating sa inyo. Hiling lamang namin na sa tuwing matatanggap ninyo sy ipasa ito sa ibang Pilipino sa loob o sa labas ng Pilipinas.

Inaasahang makatutulong iito sa kabuuang pagsisikap nating pagkaisahin nang mahigpit ang lahat nating kapatid sa Inang Bayan at muling pagbuhay sa ating Bayanihan!

Mabuhay po tayong lahat!

Ed Aurelio "Ding" C. Reyes
Pasimuno, at Tumatayong Patnugot,
Kilusan sa Pag-aaral, Pagsasabuhay at Pagpapalaganap sa Kartilya ng Katipunan
(Kilusang Kartilya)

Pagtitipon ng mga Anak ng Bayan (Kumpleto)


KATITIKAN NG SEREMONYA:

“PAGTITIPON ng mga Anak ng Bayan”

(KATITIKAN)

(Nilikha at unang idinaos noong Hulyo 1992)

NAMUMUNONG KAWAL NG KARTILYA (NKK): Mga Kababayan, ating gunitain ang naunang mga dakilang kaganapan sa kasaysayan ng ating bayan, ang pagkakatatag ng Kataas-taasang, Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan ikapitong araw ng ikapitong buwan, 1892, at pagkatapos ng apat na taong matagumpay na pagsisikap ng Ka­tipunan, na pagkaisahin ang magkakaiba at magkakalayong mga komunidad ng tagailog sa Sangkapuluang ito ay nahinog ang batayan sa pagsisilang ng pagkabansa. Kaya’t noong Agosto 24, 1896, ang Katipunan na dati’y isang mapanghimagsik na samahan lamang ay mu­ling itinatag bilang kauna-unahang pambansang pamahalaan na nakilala bilang “Haring Bayang Katagalugan.” Sa pamumuno ng Pangulong Andres Bonifacio Maypag-asa, ang ng mga aral ng Katipunan, laluna ang Kartilya na isinulat ni Emilio Jacinto Pingkian, ay itinaguyod na mai­pagpatuloy sa bagong ugnayan.

PANGALAWANG NAMUMUNO (PN): Mahalaga pa rin ang mga aral na ito hanggang sa ngayon, kaya’t nagtitipon tayo sa pararamihin pang mga “Kapilya ng Kartilya” upang pag-aralan, isabuhay at lalo pang ipalaganap ang mga aral na ito. Bahagi man o hindi ng alinmang pormal na samahan, itinataguyod natin ngayon ang “Kilusang Kartilya” na itinatag ng Katipunang DakiLahi para sa Pambansang Pagsasanib-lakas batay sa seremonyang Pagtitipon ng mga Anak ng Bayan, na nilikha ng Kampanya para sa Kamalayan sa Kasaysayan (Kama­laysayan) para sa sentenaryong Katipunan, Sandaan! noong Hulyo 7, 1992. Nagsimula tayo noon ng limang-taong buwanang pagdaraos ng Pagtitipon bilang isang monumentong spiritwal sa hanay ng ating mga kababayan sa buong kapuluan at sa ibayong-dagat. Ang paggalang na­tin sa seremonyang ito ay maging tanda nawa ng paggalang natin sa ating mga bayaning ninuno. Tumayo tayo nang tuwid at awitin ang martsang Alerta Katipunan.

1. Pambungad na Awitin: ALERTA, KATIPUNAN!

I. Alerta, Katipunan!

Sa bundok ang tahanan,

Doon mararanasan

Ang hirap ng katawan!

Walang unan, walang kumot,

Walang banig sa pagtulog,

Inuunan pa ay gulok

Abansing katakut-takot!

II. Alerta, Katipunan

Bathin ang kahirapan,

Pag-ibayuhin ang tapang,

Kahit mamatay sa laban!

Layunin natin ay itaguyod

Baya’y tubusin at itampok,

Hayo na tayo, makipaghamok,

Abansing katakot-takot!

[Uupo ang lahat sa iisang sirkulo.]


2. Pagtanggap sa mga Dumalo at Paglilinaw sa mga Layunin.

NKK: Mabuhay kayo, mahal na mga kapatid! Simulan natin ang ating pagdaraos ngayon ng Pagtitipon ng mga Anak ng Bayan sa pamama­gitan ng pagkilala sa isa’t isa at sa ating mga layunin. Sagutin ngayon ng bawat isa sa atin ang unang pambungad na katanungan sa mga du­mudulog upang umanib sa Katipunan: Ikaw ay sino?”

[Babanggitin ng bawat isa ang kanyang buong pangalan at palayaw, mga lala wigang pinagmulan ng kanyang mga magulang, at ang lalawigang kanyang kinasilangan at kinalakhan. Babanggitin ang sariling okupasyon ngunit hindi ipakiki­lala o babanggitin man lamang ang kinapapaloobang samahan o pina­pasukang tanggapan. Huling magpapakilala ang Namumunong Kawal ng Kartilya.]

PN: Palakpakan po natin ang lahat ng dito’y nagtipon. [palakpakan] Sabay-sabay naman nating sagutin ngayon ang ikalawang pambungad na katanungan sa mga dumudulog sa Katipunan: “Ano ang dito ay iyong hinahanap?”

LAHAT: Sa naritong Pagtitipon / ay kusang-loob kaming dumalo, / upang magpugay at mag-aral / sa kasaysayan at kabayanihan / ng Kataas-taasang, Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Ba­yan / at sa kadakilaan / ng sambayanang Pilipino.

PN: Kung gayon, sa diwa ng dakilang simulaing taglay ng Pagtitipon ng mga Anak ng Bayan ay batiin at tanggapin natin ang bawat isa.

[Lahat ay titingin at magbibigay ng pagngiti at pagbati sa isa’t isa, tanda ng pagtanggap nila sa isa’t isa sa Pagtitipong iyon. ]

NKK: Ang mga dumadalo ngayon sa Pagtitipon sa unang pagkakataon ay mangyaring tumayo, isuot at ibuhol ang pulang sagisag, at ating palakpakan. [pagtayo at palakpakan] Ang mga kinikilala nang mga ganap na Katipon dahil sa pag-uulit ng pag­dalo, ay tu­mayo ngayon, isuot at ibuhol ang pulang sagisag na may isang titik K, at ating palakpakan. [pagtayo at palakpakan] Ang naritong mga Kawal ng Kar­tilya, na nakapagdaos ng maikling bersyon ng seremonyang ito, nakapanghikayat ng bagong dumalo, at nakapamuno na sa isa man lamang pagdaraos ng buong seremonya sa isang regular na Kapilya ng Kar­tilya, ay tu­mayo ngayon, isuot at ibuhol ang pulang sagisag na may dalawang titik K, at ating palakpakan. [pagtayo at palakpakan] Ang mga Kapatid sa Kaba­yanihan ng Katipunan, na nakapag-aral na sa orihinal na mga sulatin ni Andres Bonifacio at Emilio Jacinto, nakapag-aral na sa unang baytang ng Palatuntunang Pingkian at nakaganap na sa iba pang mga pamantayang inihanay ng Sang­gunian ng mga Kawal ng Kartilya para sa katayuang ito, ay tumayo ngayon, isuot ang pulang sagisag na may tatlong titik K, at ating palakpakan. [pagtayo at palakpakan] Atin ngayong ipagbunyi ang lahat ng bumubuo ng Kilusang Kartilya sa buong kapuluan at sa ibayong-dagat! [Palakpakan]

PN: Ang pangatlong pambungad na katanungang ihinaharap sa mga dumudulog sa Katipunan ay: “Di mo baga nababatid na kapagka­rakang ikaw ay masanib sa Katipunang ito, ikaw ay mabibingit sa katakut-takot na kapahamakan?” Hindi tayo sasagot sa ganitong kata­nungan sa Pagtitipon dahil di naman tayo umaanib ngayon sa Ka­tipunan na isang samahang mapaghimagsik at tinutugis ng mga may­kapangyarihan. Gayunman, ang kakaharapin natin ngayon ay isang ma­bigat na hamon, at ito ay ang pagsasabuhay at pagpa­palaganap sa da­kilang diwa ng Katipunan. Di ito madaling maisakatuparan at ang kai­langan ay katatagan ng loob at kahandaang magpakasakit, isang pagpa­panibagong-hubog sa sarili ayon sa mga aral ng Kartilya ng Katipunan.


NKK: Ang pag-anib natin sa pagsisikap na ito ng Kilusang Kartilya ay malaman at madama sana ng ating pami-pamilya, mga kamag-anak at mga kaibigan, ayon sa matingkad nating pagsasabuhay sa mga simu­laing nakaukit sa Kartilya ng Katipunan at hindi lamang dahil ipagsa­sabi natin ito. Nawa’y maging mabunga ang pagdaraos natin ngayon ng Pagtitipon ng mga Anak ng Bayan, para sa bawat isa sa atin at para sa ikaiinam ng kalagayan ng mahal nating Inang Bayan.


LAHAT: Pagsumikapan nating lahat / na ito ay gawing mabunga / ngayon at lagpas pa nang malaon / sa ating paghihiwa-hiwalay.


3. Ikalawang Awit: PAG-IBIG SA TINUBUANG LUPA

(katha ni Luis Jorque mula sa 28-saknong na tula ni Andres Bonifacio)

I.

Aling pag-ibig ang hihigit kaya sa pagkadalisay at pagdakila

Gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa?

Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala.

II.

Walang mahalagang hindi inihandog

Ng may pusong mahal sa Bayang nagkupkop:

Dugo, yaman, dunong, katiisa’t pagod,

Buhay ma’y abuting magkalagot-lagot.

Refrain:

Ang nakaraang panahon ng aliw,

Ang inaasahang araw na darating

Ng pagkatimawa ng mga alipin,

Liban pa sa Bayan saan tatanghalin?

Sa aba ng abang mawalay sa Bayan!

Gunita ma’y laging sakbibi ng lumbay,

Walang alaala’t inaasam-asam

Kundi ang makita’y lupang tinubuan.

III.

Kayong nalagasan ng bunga’t bulaklak,

Kahoy n’yaring buhay na nilanta’t sukat

Ng bala-balakit makapal na hirap,

Muling manariwa’t sa Baya’y lumiyag.

IV.

Ipakahandog-handog ang buong pag-ibig,

Hanggang sa may dugo’y ubusing itigis,

Kung sa pagtatanggol, buhay ay kapalit

Ito’y kapalaran at tunay na langit.

Refrain:

Aling pag-ibig ang hihigit kaya

Sa pagkadalisay at pagdakila

Gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa?

Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala!

} 2x


4. Pagbabasa: ANG DAPAT MABATID NG MGA TAGALOG

[Pagbasa sa isang bahagi ng “Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog” na isinulat ni Andres Bonifacio. Maaaring mag­dagdag ng pagbasa ng isa pang pahayag / liham o kaya’y presentasyon ng likhang sining na di lalagpas nang 10 minuto.]

NKK: Narito ang huling bahagi ng “Ang Dapat Mabatid ng mga Taga­log,” isang makapangyarihang pahayag na inilabas ng pahayagang Kalayaan noong Enero 1896 nang may lagdang “Agapito Bagumbayan,” isang pangalan sa panulat ni Andres Bonifacio. Ang mga Kapatid nating sina (dalawa sa mga dumadalo sa unang pagkakataon)_ ang siyang babasa ng tig-isang talata.

TAGABASA 1: “Ano ang nararapat nating gawin? Ang araw ng kat­wiran na sumisikat sa Silanganan ay malinaw na itinuturo sa ating mga matang malaong nabulagan ang landas na dapat nating tunguhin. Ang liwanag niya’y tanaw sa ating mga mata ang kukong nag-akma ng kamatayang alay sa atin ng mga ganid na asal. Itinuturo ng katwiran na wala tayong iba pang maaantay kundi lalo’t lalong kahirapan, lalo’t lalong kataksilan, lalo’t lalo kaalipustahan, at lalo’t lalong kaalipinan. Itinuturo ng katwiran na huwag nating sayangin ang panahon sa pag-asa sa ipinangakong kaginhawahan na hindi darating at hindi mangyayari. Itinuturo ng katwiran na tayo’y umasa sa ating sarili at huwag antayin sa iba ang ating kabuhayan. Itinuturo ang katwiran na tayo’y magkaisang-loob, magkaisang-isip at akala at nang tayo’y magkalakas na maihanap ng lunas ang naghaharing kasamaan sa ating bayan.

TAGABASA 2: “Panahon na ngayong dapat na lumitaw ang liwanag ng katotohanan. Panahon nang dapat nating ipakilala na tayo’y may sariling pagdaramdam, may puri, may hiya, at pagdadamayan. Ngayo’y panahon nang dapat simulan ang pagsisiwala’t ng mga mahal at dakilang aral na magwawasak sa masinsing tabing na bumubulag sa ating kaisipan. Panahon na ngayong dapat makilala ng mga Tagalog ang pinagbuhatan ng kanilang kahirapan…. Kaya, O mga kababayan! Ating idilat ang bulag na kaisipan at kusang igugol sa kagalingan ang ating lakas, sa tunay at lubos na pag-asa na magtagumpay sa nila­layong kaginhawahan ng bayang tinubuan.”


5. Pagsagot sa Tatlong Tanong

Ukol sa Kasaysayan ng Ating Bayan

NKK: Ngayon ay handa na ba tayong sumagot sa Tatlong Tanong sa Kasaysayan, na kahawig ng ipinasasagot noon sa bawat umaanib sa Katipunan?

LAHAT: Handa na kami, Kapatid! / buod ng kasaysayan ng ating bayan / ay amin nang nababatid.

NKK: Ano ang kalagayan ng ating bayan / bago dumating ang mga mananakop na dayuhan?

LAHAT: Maraming libong taon / na ang ating mga ninuno / ay namuhay nang malaya, mapayapa at masagana, / may unti-unting pag-unlad, / may namumuong pagkakaisang / likas na tumutungo sa pagkabansa, / at may malusog na pakikipag-ugnayan / sa nakapaligid na mga bansa // Ang ating mga ninuno / ay may mayamang kultura / at maayos na sistema ng pamahalaan / na pawang sinira ng nanakop na dayuhan.

NKK: Ano ang naging kalagayan ng ating bayan / magmula nang ang buhay nito ay pagharian ng mga dayuhan?

LAHAT: Sapilitang binuo ang isang kolonyang bayan / ngunit pina­natiling hatí-hatí ang mga mamamyan. // Mula noon, tayo’y inalipin at pinagsamantalahan / sampu ng ating mga likas na kayamanan. // Hinawakan ang ating kaisipan, / inudlot ang pag-unlad ng ating wika, / at ang ating karanglan at kakanyahan bilang sambayanan /ay niyurakan at ipinalimot, / laluna sa kabataan. // Ang ating kabuhayan ay pinakinabangan ng mga dayuhan / at ng ilan nating mga kababayan. // Habang nagkakandakuba sa paggawa / tayo’y naging mga pulubi at alipin / sa sariling bayan at maging sa ibayong-dagat. // At sa halip na umunlad, / buhay nati’y lumubha nang lumubha / sa paglipas ng bawat / maghapon at magdamag.

NKK: At ano naman ang magiging kalagayan ng ating bayan, sa san­daling makalaya tayo sa paghaharing dayuhan at sa ibinunga nito sa ating mga pag-uugnayan, ugali at isipan?

LAHAT: Ang likas na kayamanan / at lakas-paggawa ng Inang Bayan / ay maiuukol na sa kapakanan at pag-unlad / ng kanyang mamamayan. // Maibabangon at maisusulong na natin / ang ating kabuhayan, / mati­tigil na ang pagpapaalipin / mga ating mga kababayan / sa kináng ng salaping dayuhan, / at magiging maaliwalas ang hinaharap / para sa ating mga anak.

PN: Kung mayroong mga tanong ang sinuman ukol sa mga Pagbasa at sa ating pagsagot sa Tatlong Tanong, mangyari po lamang na maisulat nang kalakip ang inyong pangalan, at maibigay sa amin upang mabig­yang-daang matugunan. Kung isasagawa na ngayon, ang mga pagta­tanong at pagtugon ay hindi dapat lumagpas nang 15 minuto.

6. Mga Aral mula sa Kartilya ng Katipunan

PN: Pasa-pasa nating basahin ngayon ang mga punto ng Mga Aral ng Katipunan ng mga A.N.B.” na itinatampok ng Kartilyang isinulat ni Emilio Jacinto. Walang mga numero sa orihinal at ang mga katagang nakahilíg at nasa panaklong ay idinagdag ng Kamalaysayan upang higit na maunawaan sa kasalukuyan. Matapos ang pagbasa ng lahat ay idedeklara ng bawat isa sa maliit na grupo kung alin sa mga aral ang pinakamahalaga sa kanya at ipaliliwanag niya kung paanong ang kanyang napili ay may buháy na kaugnayan sa sarili niyang personal na kalagayan at karanasan at sarili nyang mga katangian, ugali at asal. Hindi tayo gagawa ng konsensus o anumang sama-samang pasya batay sa mga pagbabahagiang ito.

1. “Ang buhay na hindi ginugugol sa isang malaki at banal na kadahila­nan ay kahoy na walang lilim, kundi (man) damong makamandag."

2. "Ang gawang magaling na nagbubuhat sa paghahambog o pagpipita sa sarili (paghahangad na makasarili), at hindi talagang nasang gumawa ng kagalingan, ay di kabaitan."

3. "Ang tunay na kabanalan ay ang pagkakawang-gawa, ang pag-ibig sa kapwa at ang isukat ang bawat kilos, gawa't pangungusap sa talagang katuwiran."

4. "Maitim man o maputi ang kulay ng balat, lahat ng tao'y magkaka­pantay; mangyayaring ang isa'y hihigitan sa dunong, sa yaman, sa ganda ...; ngunit di mahihigitan sa pagkatao."

5. "Ang may mataas na kalooban, inuuna ang (dangal o) puri kaysa pagpipita sa sarili; ang may hamak na kalooban, inuuna ang pagpipita sa sarili sa puri."

6. "Sa taong may hiya, salita'y panunumpa."

7. "Huwag mong sayangin ang panahon; ang yamang nawala'y mangyayaring magbalik; ngunit panahong nagdaan na'y di na muli pang magdadaan.

8. "Ipagtanggol mo ang inaapi; kabakahin ang umaapi."

9. "Ang taong matalino'y ang may pag-iingat sa bawat sasabihin; matutong ipaglihim ang dapat ipaglihim.

10. "Sa daang matinik ng buhay, lalaki ang siyang patnugot ng asawa at mga anak; kung ang umaakay ay tungo sa sama, ang pagtutunguhan ng inaakay ay kasamaan din." (Ang simula nito'y obserbasyon sa ugnayan ng babae at lalaki sa panahon ng Katipunan; para sa kasalukuyan, ang katumbas nito ay ang sumusunod: "Sa daang matinik ng buhay, ang mga magulang ang patnugot ng mag-anak; kung ang umaakay ay tungo sa sama, ang pagtutunguhan ng inaakay ay kasamaan din.")

11. "Ang babae ay huwag mong tingnang isang bagay na libangan lamang, kundi isang katuwang at karamay (ng lalaki) sa mga kahirapan nitong buhay; gamitin mo nang buong pagpipitagan ang kanyang (pisikal na) kahinaan, at alalahanin ang inang pinagbuhatan at nag-iwi sa iyong kasanggulan.

12. "Ang di mo ibig gawin (ng iba) sa asawa mo, anak at kapatid, ay huwag mong gagawin sa asawa, anak at kapatid ng iba."

13. "Ang kamahalan ng tao'y wala sa pagkahari, wala sa tangos ng ilong at puti ng mukha, wala sa pagkaparing kahalili ng Diyos, wala sa mataas na kalagayan sa balat ng lupa: wagas at tunay na mahal na tao, kahit laking-gubat at walang nababatid kundi sariling wika, yaong may magandang asal, may isang pangungusap, may dangal at puri, yaong di nagpapaapi't di nakikiapi; yaong marunong magdamdam at marunong lumingap sa bayang tinubuan."

14. "Paglaganap ng mga aral na ito, at maningning na sisikat ang araw ng mahal na kalayaan dito sa kaaba-abang Sangkapuluan at sabugan ng matamis niyang liwanag ang nangagkaisang magkakalahi't magkakapatid, ng ligayang walang katapusan, ang mga ginugol na buhay, pagod, at mga tiniis na kahirapa'y labis nang matutumbasan.

[Bubuo ng mga apat-kataong grupo at may limang minuto ang bawat tao upang magbahagi. Hindi pag-uusapan ang organisasyon, tanggapan, o kompanyang pinapasukan ninuman at ang tuon lamang ay sa personal na buhay ng bawat isa.]


7. Pag-awit ng LIWANAG, HUWAG DILIM

(Katha ni Ding Reyes ng Kamalaysayan batay sa “Liwanag at Dilim” ni Emilio Jacinto.)

I. Liwanag, ang ating hanapin,

Liwanag, yakapin at gamitin,

Liwanag ay makapangyarihan

Sa paglalandas ng ating buhay

II. Liwanag ng Katotohanan,

Liwanag ng Katuwiran,

Liwanag ng Kalayaan,

Ng Katarungan at Kapatiran…

Refrain 1:

Di tulad ng Dilim

Di tulad ng Ningning

Na sarili lamang ang ‘pinapakita

Sa ating paningin.

III. Liwanag, sa sandaling mahanap,

Pagsumikapang maipalaganap,

At paramihin ang maninindigan

Na mabubuhay sa kanyang sinag.

Refrain 2:

Ang Dilim ay Piring,

Huwad na ilaw naman ang Ningning

Na kaakit-akit, kaya nagagawa

Tayong linlangin!

Ulitin ang II at III

Liwanag!.


8. Pagbigkas at Paglagda sa Panata

NKK: Magsitayo tayong lahat nang tuwid, idikit ang ating kamao sa pagtibok ng ating puso at sabay-sabay nating bigkasin ang panata sa pagsasabuhay at pagpapalaganap sa Kartilya ng Katipunan. Sa ating pagpapahayag ay kausap natin ang ating mga ninuno na unang nagtaguyod sa kadakilaan ng ating lahi.

LAHAT: Kaming narito ngayon, mga kusang-loob na dumalo sa Pagtitipon ng mga Anak ng Bayan / ay sumusumpa ngayong pag-aaralan, / isasabuhay at ipapalaganap ang dakilang diwa / ng Kataas-taasang Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan. // Niyayakap namin / bilang sariling panuntunan sa buhay / ang Kartilya ng Katipunan / at nangangako kaming ipakikilala ito / sa higit na marami pang mga kababa­yan / sa Pilipinas man o sa ibayong dagat. // Gagawin namin / sa iba’t ibang kaparaanan / sa abot ng aming makakayanan / na pagkaisahin ang lahat sa isang bukluran / sa patnu­bay ng mga aral ng Katipunan / at kamtin ang kaisahan, kalayaan, karangalan at kaginhawahang / malaon nang ipinagkakait / sa mina­mahal na Inang Bayan. // Mag-aambag at magpapatampok kami / sa sama-samang galíng ng mga Pilipino / at magta­talastasan at magtatangkilikan / sa pagsasanib-lakas at bagong bayanihan, / upang mabuo ang isang malakas na bansa. // Kami’y magpupunyagi / upang ang mga ikinikilos namin sa araw-araw / ay sukat naming maikarangal / sa mga nagtatag at nagtaguyod ng Kati­punan / at sa lahat ng mga ninunong / mayaman sa kabayanihan. // Hindi kailanman mamamatay / ang kaytagal nang mga pangarap! / Ito ang mataimtim naming Panata / sa ngalan ng aming karangalan. // Kasihan nawa kami / ng Bathalang Maykapal!

PN: Hahanay tayo ngayon, at bawat isa’y lalagda sa ilalim ng binigkas nating Panata, sisindihan ang hawak niyang kandila, lalagyan ng isang patak ng kandila ang kanyang lagda habang nagsasabi ng “Tulad ng aking karangalan, di mabubura ang aking lagda.” [Ipauulit ito sa lahat] Pagkatapos ay papatakan din ng kandila ang sariling palad habang nagsasabi ng “Talab sa aking palad, talab sa aking isip, salita at gawa.” Atin nang simulan ang banal na gawaing ito. Pinaaalalahanang maging tahimik ang lahat bilang pagbigay-galang sa seremonya at paggalang din sa tahimik na pagmumuni-muni na isasagawa ng bawat isa.

[Isasagawa ng bawat isa ang sinabi. Kung maaari ay papatayin ang mga ilaw.]


9. Pagpapalitan ng Kandila

NKK: Bilang tanda ng init at liwanag na taglay ng mahigpit nating pagkakaisa sa ating Panata sa Diwa ng Katipunan, lapitan natin ang bawat isa, makipagpalitan ng kandila sa kanya, batiin siya ng “Mabuhay Ka at ang Ating Panata!” at makipagkamay nang palad-sa-palad sa kanya. [Ipaulit sa lahat ang pagbati. Ipakita ang palad sa palad na pakikipagkamay.]

LAHAT (sa isa’t isa): Mabuhay ka at ang ating panata

PN: Yayamang tapos na, magbalik na tayo sa ating mga upuan, patayin ang sindi ng ating mga kandila, ilapag ang lahat ng hawak, maging tahimik at manatiling nakatayo bilang angkop na paghahanda sa Konsekrasyon ng ating Panata.


10. Konsekrasyon ng Panata

NKK: [Itataas ang nilagdaang Panata] Masdan n’yo mga Kapatid, ang ating Panata at ang ating mga lagda ng karangalan, na ngayon ay nasa papel. Atin ngayon itong aalisin sa anyong pisikal… [sisindihan ang papel at ilalapit sa harap ng bandila ng Katipunan at mga sagisag ng bungo at punyal] …at sundan n’yo ako at pagkata­pos ay tahimik tayong magmuni-muni… Ang Panata at mga lagda / na inaangkin ngayon ng apoy / ay gumabay sana at manatiling nakaukit / sa puso at isipan / ng bawat isa sa atin / at sa higpit / ng ating pagkakaisa. [tahimik na manonood ang lahat sa pagkaubos nang apoy]

PN: Mabuhay ang Dakilang Diwa ng Katipunan!

LAHAT: Mabuhay!

PN: Mabuhay sa atin ang Dakilang Diwa ng Katipunan!

LAHAT: Mabuhay!


11. Pagwawakas

PN: Magsiupo tayo. Bawat isa ay magpapahayag nang maikli sa mga naisip niya’t naramdaman ukol sa pagdalong ito sa Pagtitipon ng mga Anak ng Bayan. Hindi muna maglalabas ng anumang pagmumung­kahi ang sinuman sa nakikita niyang pagpapahusay pa ng katitikan o ng mga pagdaraos ng seremonya. Ang mahalaga ay pagtugon sa seremonya, ayon sa pagkakadaos nito ngayon, laluna ang mga baha­ging may pinakamalaking epekto sa kanya. Unahin nating pakinggan ang mga dumadalo ngayon sa kauna-unahang pagkakataon.

[Isagawa ang mga pagpapahayag; magbabahagi rin ang NKK at PN ng ilang karagdagang impormasyon at hihikayatin silang magbasa ng hiwalay na mga sulatin ukol sa Katipunan, ukol sa Kartilya, at sa Kilusang Kartilya, at/o ma­natili matapos ang seremonya para sa karagdagang mga pag-uusap-usap.]

NKK: Mga Kapatid, dumating na ang oras ng ating pagpapaalam sa isa’t isa. Ngunit ito’y pansamantala lamang at hindi tunay na paghi­hiwa-hiwalay. Pansamantala sapagkat bawat isa sa atin na nagsasabing mahusay at mainam ang ating seremonya ay tinatawagan ngayon na kahit minsan pa’y dumalong muli bilang ganap nang Katipon sa susunod pang Pagtitipon ng mga Anak ng Bayan, magpadalo ng dalawa man lamang na magiging ganap ring mga Katipon, at hangga’t maaari ay maging Pangalawang Namumuno, tulad ni ______, at pag­lao’y Namumunong Kawal ng Kartilya, o tagabasa ng mga pamagat ng bahagi at mga paliwanag sa pakalong, tulad ni _____, sa paglawak pa nitong ating Kilusang Kartilya dito o sa iba pang lugar. Ang sinumang babalik ay dadalo sanang muli hindi lamang upang may bagong matutunan, kundi upang makapagbahagi rin sa iba. Ganap nating sikaping makarating sa tamang oras, upang mapanindigan ang ika-anim at ikapitong aral ng Kartilya at maiwaksi ang ugaling di nababagay sa mga anak ng Dakilang Lahi. Palakpakan po natin ngayon ang mga dumating kanina sa tamang oras. (palakpakan)

Hindi ganap ang paghihiwa-hiwalay sapagkat mahigpit tayong binu­buklod ngayon ng ating panata na isabuhay at ipalaganap ang Dakilang Diwa ng Katipunan, sa nagkakaisa nating pagmamahal sa ating Inang Bayan.

Humayo tayo, kung gayon, at magsilbing mga kandilang nagbibigay ng init at liwanag sa pagbubuklod ng higit pang maraming mama­mayan tungo sa karangalan, kaisahan, kalayaan, katarungan, at kagin­hawahan.

LAHAT [Tayayo]: Mabuhay ang Pilipinas! Iasabuhay ang dakilang diwa ng Katipunan! Ikarangal ang kadakilaan ng ating lahi!


12. Pag-awit ng MARANGAL NA DALIT

PN: Tayo’y maghawak-kamay… at taimtim nating awitin ang unang pambansang awit ng nagkaisang mga anak ng bayan, ang Marangal na Dalit na kinatha ng Katipunerong kompo­sitor na si Julio Nakpil:


LAHAT:

I. Mabuhay, Ma-buhay yaong

Kalayaan, Kalayaan!

At pasulungin

Ang puri’t ka-banalan, ang

Puri’t kabanalan!

II. Kastila’y mairing

Ng Katagalugan

At ngayo’y ipag-

Wagi ang kahusayan!

(ulitin ang I)

(Maaaring sundan ito ng isang simpleng salu-salo, at/o pag-uusap-usap na ukol sa mga plano ng mga grupo.)

* * *