Makasaysayang Paanyaya sa Lahat ng mga Pilipino
Ukol sa Kartilya ng Katipunan
Ukol sa Kartilya ng Katipunan
NGAYONG GABI ng Hulyo 7, 2011, ika-119 na kaarawan ng pagtatag ng Kataas-taasang, Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan, inaanyayahan kayo ng Kamalaysayan (Kaisahan sa Kamalayan sa Kasaysayan) at ng DakiLahi Facebook Group na kilalanin at mahigpit na yakapin (upang maisabuhay at pursigidong maipalaganap) ang 14 na mga aral sa "Kartilya ng Katipunan," na isinulat ni Emilio Jacinto.
.
Upang maidaos ninyo ang "Usapang Kartilya--Usapang Marangal," maikling bersyon ng isang solemnong seremonya ukol sa "Kartilya," mag-click po dito.
Ang lahat ng interesadong makapag-aral ukol sa dokumentong ito ("Kartilya") ay maaaring pumindot naman dito.
Upang mabasa naman ang buong itinatakbo ng kumpletong seremonyang "Pagtitipon ng mga Anak ng Bayan" (na karaniwang tumatagal nang mahigit isang oras), mag-click naman dito. [Para makabalik sa blog na ito, pumindot lamang sa "pakaliwang arrow" sa kaliwang itaas na kanto ng screen.]
Ilalabas namin ang blog na ito bilang paalala sa lahat tuwing petsa-syete ng buwan o sa bisperas nito. Ang mga magpapaabot sa amin ng sagot na sumasang-ayon ay bibigyan namin ng priyoridad sa paniniyak na ito'y makarating sa inyo. Hiling lamang namin na sa tuwing matatanggap ninyo sy ipasa ito sa ibang Pilipino sa loob o sa labas ng Pilipinas.
Inaasahang makatutulong iito sa kabuuang pagsisikap nating pagkaisahin nang mahigpit ang lahat nating kapatid sa Inang Bayan at muling pagbuhay sa ating Bayanihan!
Mabuhay po tayong lahat!
Ed Aurelio "Ding" C. Reyes
Pasimuno, at Tumatayong Patnugot,
Kilusan sa Pag-aaral, Pagsasabuhay at Pagpapalaganap sa Kartilya ng Katipunan
(Kilusang Kartilya)
No comments:
Post a Comment