KA.S.A.Y.S.A.Y.A.N .
.............N.G. P.A.M.AYA.N.A.N
Saan Magtutuon ang Ating Pagkilala?
Kilalanin ng lahat ang buhay-buhay ng karaniwang mge taong bumubuo ng pamayanan noong malaong nakalipas, kung anu-ano ang naging pagbabago sa kanilang isip at pag-uugali hanggang sa kasalukuyan, at kung paano (at bakit) nangyari ang mga pagbabagong iyon.
.
.......Halimbawa, kung may saganang pamumuhay noon ang mga mamamayan batay sa biyaya ng kalikasan, bakit at paanong nangyari na ngayo'y dumaranas na ng kagipitan at kagutuman? Pati mga kapinsalaan o peligro mula sa ayos o daloy ng kalikasan? Kung marami na at dumarami pa ang lumuluwas papalabas, ano ang pangunahing mga kadahilanan? At ang mga dahilan ay tiyak na may sarili pang pinagmulan, anu-ano ang mga iyon? Bunsod ba ng pagbabagong pangkalikasan o ng pagbabago sa balangkas ng lakas at kapangyarihang nagpapairal ng mga kalakaran? Malinaw na unawain ang ugna-ugnayan ng mga ito.
.
........Kailangang alamin ng isang sentro ang mga salaysay at pagkaalala sa lahat ng bagay na ito. Ang mga nakatatanda o "senior citizens" ang maaaring magtulungan upang maalala ang mga ito at maitalang lahat sa iisang pagsisinop.
.
........Maaaring isama sa pagtatala ang mga detalye ngunit hindi sila maaaring bigyan ng katimbang na pansin sa pagtatala. Ang mga petsa at partikular na tao ay isama rin ngunit mas pahalagahan natin ang buu-buong haba ng panahon gaya ng mga dekada at siglo. Buhay, ugali at kapasyahan ng mamamayan ang mahalaga kaysa galaw ng iilang tao. Kung may ipinag-utos ang isang opisyal, kailangang suriin kung bakit siya sinunod o hindi sinunod ng nakararami.
.
........Ang mga pagbubuod ay kailangang pana-panahong isulat at ipalaganap bilang tentatibong pagkilala sa binubuong kasaysayan, nang may pag-anyaya sa lahat ng may sariling kaalaman na iambag ang kaalamang ito upang pinuhin at payamanin pa ang pagsisikap na kilalanin ang kasaysayan ng pamayanan.
Ihinanda noong Setyembre 2011
para "Pistahang Kamalaysayan"
ni:
Ed Aurelio C. Reyes,
pasimuno at tagapagsalita,
Kaisahan sa Kamalayan sa Kasaysayan
o Solidarity on Sense of History
( K A M A L A Y S A Y A N )
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment