Sunday, November 29, 2009

Mabuhay SA ATIN si Gat Andres

Nob. 30 / ika-146 Kaarawan ni Andres Bonifacio

Mabuhay! Mabuhay sa ating kalooban ang dakilang diwang mapagkaisa at mapagpalaya ni Gat Andres de Castro Bonifacio Maypag-asa, Pangulo ng Haring Bayang Katagalugan na kauna-unahang estado ng mga Pilipino na sumasaklaw sa buong kapuluan!

Ang Katipunan (KKK ng mga ANB) ang siyang nag-TIPON sa hiwa-hiwalay nating mga pamayanan sa kapuluan upang mabuo at maisilang ang ating pagkabansa.
Ngunit hanggang ngayon, si Bonifacio ay di pa ganap na nakikilala ng ating mga kababayan o kahit natin mismong nagsasabing humahanga sa kanya.

At nilalapastangan pa nga ngayon, sa ngalan ng negosyo at ng ‘public convenience,’ ang kanyang Monumento.

Samantala, ang monumentong spiritwal ng Diwa ng Katipunan at ang Kartilya nito.

Ang pagtitipon nang ibayong mahigpit sa ating mga kababayan upang mapalakas at mapatatag ang ating pagkabansa ay itinataguyod ngayon ng kampanyang Balik-Bayanihan. Pagtulung-tulungan po natin ito.

Kilalanin pa si Bonifacio—
> basahin ang mga nakasaad sa:
http://filipinos4life.faithweb.com/Regcols.htm#kabayanihan
> sukatin ang malinaw pa lamang nating nalalaman ukol kay Ka Andres ngayon. Gawin ang self-test na ito:
http://filipinos4life.faithweb.com/Boniquiz.htm

Kilalanin, ISABUHAY at ipalaganap ang Kartilya ng Katipunan:
http://kartilya.8m.net
Itaguyod and kampanyang Balik-Bayanihan:
http://apps.facebook.com/causes/345195

Itaguyod ang kampanyang Sagip-Monumento:
http://readdingz.blogspot.com/2009/10/rizals-knights-defend-bonifacios.html
http://apps.facebook.com/causes/345195

No comments: