Wednesday, March 17, 2010

"March 1521: 'Filipinos' Discovered Magellan"

Text at Facebook shout-out message ko kahapon, Marso 16…
“March 16 ngayon. Noong March 16, 1521, 489 years ago, may pangyayari daw na historically significant sa ating bayan. Totoo nga ba??? Ano'ng sagot mo??? (ano'ng nangyari, at bakit maituturing na makabuluhan iyon ?) Isipin mo munang mabuti!!!”

Narito ang mga natanggap kong mga kasagutan mula sa mga nag-text:
iya s. – si magellan yata, may nakitang isla.
dado s.a. – alam ko, aksidenteng napadpad dito yung ferdinand magellan. we discovered him.
josie m. – hehehe! di ba march 15? ang pagdating mga dayuhang kastila sa ating kapuluan!
ernie g. – 1521 magellan. sabi ni yoyoy villame, alter ego sila ni willie wowowee.
jhun a. – di ba pagdating ni magellan yon ang simula ng ng pagsakop ng mga kastila?
adolf p. – that was when our problems started. Instead of developing in our natural sustainableway, our land and our were abused to create wealth for others.
gani s. – sirit na.
ian r. – magellan landed in the philippines, ushered start of Spnish colonization?
amy r – very significant kasi pinasok tayo ng dayuhan. nagkaroon ng engkwentro. Naging violent ang dalawang panig. Significant kc di na tayo nakahulagpos.
jessie p. – are you referring to the history of mactan when magellan landed and was killed by lapu-lapu? Kung yun yon, mali ka! March 17 yon!
grace p.c. – yes, spaniards came to our shores
johnny j. – ayon sa kasaysayang nakatala… iyan ang pinagsamantalahan tayo ng dayuhang kastila, sinakop tayo
lia torralba (hipag ko) – ang nangyari noong mar 16, 1521 and dahilan kung bakit kulay coupon bond ang kapatid mo.
ed b. – yung mga punyetang Kastila, nakarating sa ating lupain.
mon d. l. l. – di ba pagdating ni magellan at ng mga kastila sa pinas?
vicky s. – magellan stole the philippines for spain.
rex d. – ang pagpapakita ng kagitingan at katapangan ng mga katutubo (na pinamumunuan ni lapu-lapu) laban sa pananalakay at tangkang pagsakop ng mga pangunguna ni magellan.
norma b. – kahit anong isip na gawin ko, labas haka-haka lang pero ok na rin na may founation date ang bansa, kaysa i-contest ko pa.

Mga tugon sa Facebook:

al a.: "Sabi ng part-time historikong si Yoyoy Villame: "On March 16 op 15hundred tweynti wan, da pilipins was diskuberd by magellan..." Op kors alam naman natin na di naman diniskober ang pinas! :-)"

joninay g: "Magellan got lost when he's supposed to go to spratley's island.. he ended up discovering the Philippines.. :) (discovering shouldn't be the term, but i can't think of better words..hehe"

aba luch d.: "The Philippines was discovered by Magellan
They were sailing day and night across the big ocean... / Until they saw a small Limasawa island / Magellan landed in Limasawa at noon / The people met him very welcome on the shore / They did not understand the speaking they have done / Because Kastila gid at Waray-Waray man / When Magellan landed in Cebu City / Rajah Humabon met him, they were very happy / All people were baptized and built the church of Christ / And that's the beginning of our Catholic life / When Magellan visited in Mactan / To christianize them everyone / But Lapu-Lapu met him on the shore / And drive Magellan to go back home / Then Magellan got so mad / Ordered his men to camouflage / 'Mactan island we could not grab' / Cause Lapu Lapu is very hard' / Then the battle began at dawn / Bolos and spears versus guns and cannons / When Magellan was hit on his neck / He stumbled down and cried and cried / Oh, mother mother I am sick / Call the doctor very quick / Doctor, doctor shall I die? / Tell my mama do not cry / Tell my mama do not cry / Tell my mama do not cry / That's the end of Magellan / In the island of Mactan long time ago / Ladies and gentlemen"

maria theresa b. s.: "Demarcation Line (Philippines-Spain)"

ryan c.: "Ang unang araw ng ating pagkaalipin, pagkasira ng ating kultura, at dangal at pagkakaroon ng colonial mentality ay nagsimula sa araw na ito? Ang pagkakaroon ng bulok na sistema sa lipunan at simula ng maling pag usad ng bansa na tinatamasa naten ngayon ay bunga ng March 16,1521. tama po ba? Haha"

Noong March 16, 1521, 489 years ago, may pangyayari daw na historically significant sa ating bayan. Totoo nga ba??? Ano'ng sagot mo??? (ano'ng nangyari, at bakit makabuluhan iyon ?) Isipin mo munang mabuti!!!

Una, walang mahalagang pangyayari sa Pilipinas noong araw na iyon. (alam ito ni Jesse P.) At ang tinutukoy ni Iya S. na may namataang isla si Magellan at ang sinasabi ng iba pa na naglanding daw siya at mga kasama niya mula sa hukbong Kastila, ay pawang nangyari noong sumunod pang araw, noon pang Marso 17! Papano namang nangyari iyon? Ang March 16, 1521 ay inilagay sa lahat ng history books natin noon, at pilit na ipinamemorya sa mga lolo’t lola natin, pati sa mga magulang natin, pati sa atin, at pati kay Yoyoy Villame! Pero may mali pala sa record book mismo ni Pigafetta, ang chronicler ni Magellan, dahil nang tumawid sila ng International Dateline sa gitna ng Pacific Ocean ay nalimutan niyang magdagdag ng isang araw sa petsang pinanghahawakan niya noon.

Pangalawa, at mas mahalaga pa, kahit Marso 16 o 17 man ang petsang ikabit natin sa pagdating dito nina Magellan, di naman iyon makabuluhan sa kasaysayan nating mga Pilipino. Ang sinasabing pagkakatuklas ni Magellan sa Pilipinas ay mahalaga sa kasaysayan ng Spain pero di sa kasaysayan natin. Ang dami-dami nang mga bansa noon ang nakakaalam na narito lang tayo; halos mga taga-Europa na lang ang ignorante pa noon ukol sa atin. Nang malaman nila na narito lang tayo, huling-huli na sila! Bakit magiging importante sa kasaysayan natin ang mga alam nila at di nila alam? Sumulat ako noon ng isang polyetong may pamagat na “March 1521: ‘Filipinos’ Discovered Magellan!”

At dahil nalipol ng mga ninuno natin sa Mactan ang mga Kastilang napadpad roon, 1565 na nang makapagsimula silang manakop, sa pamumuno na ni Legazpi. At maging ang pagkakasakop daw nila sa atin noon ay kontrobersyal pa. Pero ibang paksa pa iyon.) Ang mga krimen ng Espanya sa loob ng 333 taon mula 1565 hanggang 1898 ay nakadetalye sa libro kong Demands of Dignity, na mababasa ninyo sa Chapter 3 (Apology demanded from Spain) na nasa http://demands-dignity.8m.net/.

May ispesyal na dahilan kung bakit ko ipinaaalala ang mga kaganapan noon 1521. Malapit nang mag-500 taon mula noong 1521. At aabutan nga yatang talaga ng 500 taon na may sakit na “kaisipang kolonyal” ang kamalayan ng karamihan sa ating mga kababayan. Papaksain natin ito sa ilan pang blog dito sa darating pang mga buwan at taon.

--ding reyes ng subic, zambales
marso 17, 2010

1 comment:

rodriguezt said...

Idagdag natin po ang sumusunod sa istorya in Magellan: Ang pakay ng kanilang paglalakbay sa Asia ay upang hanapin ang ruta patungo sa China. Ngunit ang Pacific Ocean ay malawak, lubhang malalim at peligroso dahil sa mga pirates. Nawala ang isa sa mga barko ni Magellan. Karamihan ng mga tauhan niya ay may sakit. Huminto sila sa isang island malapit sa Samar upang makapahinga ang mga tauhan. Dito sila natuklasan ng mga mangigisdang taga Samar. Ang mga mangigisda ay tumulong sa mga Castilang may sakit. Sila ang nagdala kay Magellan sa kapuluan ng Samar. Noong panahong iyon ang Samar ay kasanib na sa barangay sa south. Sa madalit salita, dinala ng Samar sina Magellan sa puno ng barangay na si Humabon.

Kaya totoo na ang mga Pilipino ang naktuklas kay Magellan.

Teresa