Friday, March 26, 2010

TASYO!: Buhay pa nga ba itong Aklat?

Huwag mo sanang ikagulat...
Buháy pa nga yatà itong Aklat!
(TILA NAIS NIYANG SUMAMA KA SA PAGTUPAD SA NILAYON NG SUMULAT!)

Buháy pa nga ba itong aklat na TASYO: Ngayon na ba ang Bukas sa Habilin ng Pantas?? Tapos na nga itong isulat; nagawa na ngang maisulat hanggang sa bahaging nilagyan na ng katagang "wakas!" at sa ganoong pagkakaayos ay ginastahan na ito para maipalimbag; atnoong Pebrero 4 ito'y nailunsad, at mula noon ay nagsimula nang lumaganap.

. Ano pa ba ang kasunod na mga naganap at magaganap kaya't may magsabing "tila buháy pa nga yata itong aklat!" Basahin mo sana ang buong artikulong ito na nagpapakita na ang buong kasaysayan ng sulating ito, mula sa pinag-ugatang eksena sa Kabanata 25 ng Noli Me Tangere, kasama na ang paulit-ulit na nabingit ito sa pagkakasunog, nailigtas lamang sa may-pagkamisteryosong paraan. Narito siya: http://bookmakers-phils.8m.net/tasyo-opening.htm.
.
.
Damhin mo ang misteryo, saksihan mo ito, lahukan mo pa... lalo na ang pagtatangkaang sagutin na ngayon nang tiyakan ang tanong na naghahamon: Ngayon na ba ang Bukas sa Habilin ng Pantas? Kaya na ba nating totohanang maintindihan ang isinulat ni Pilosopong Tasyo na hindi raw posibleng maintindihan noong panahon nila nina Crisostomo Ibarra, mahigit isandaang taon na ngayon ang nakalilipas? O ang susunod pang mga henerasyon ang makakaunawa? Sinabi noon ni Rizal na totoong lahat ng mga pangyayaring isinulat niya sa Noli Me Tangere, "mapatutunayan ko!" Akala ko noon, fiction lang talaga ang Noli!

. Buti pa siguro, basahin mo sandali, o kahit simulan mo lang ngayon ang pagbasa, ng maikling nobelang ito, na nagsisimula sa http://bookmakers-phils.8m.net/kab-25.htm. Pagkatapos mong mabasa ito, padalhan mo ako ng komentaryo. Pati kwento ng mga ipinagawa sa iyo ng munting libro. Sabi ko na nga, buhay pang talaga itong aklat na nagsimula nang lumaganap! At ang mga kwentong matatanggap ko ay magiging bahagi ng "epilogue" na ipapaloob sa ikalawang edisyon nito.

. Lalabas ang edisyong iyon bago maitanghal sa entablado ang maikling nobelang ito.

No comments: