Friday, November 12, 2010

FORM para sa Remote Registration ng Technical Attendance





.

Form para sa "Remote Registration of Technical Attendance (Physical Presence Waived)"

PAHAYAG NG KUSANG PAKIKISANIB-LAKAS SA KAMALAYAN AT MGA PAGSISIKAP PARA SA PILIPINAS AT SANGKATAUHAN

Ako, si AAAA*, na nakatira o naglalagi sa BBBB*, ay tahasang nakikiisa sa mga layunin at gawain ng Pamayanang SanibLakas ng Pilipinas, at naghaharap ng aking kahandaang aktibong lumahok sa pagsusulong ng mga gawain nito ngayong pumapasok na taong CY2011.

Magtutuon ako sa mga nakatakda at pagkakaisahang mga gawain ng KKKK*, at magiging aktibong bahagi ng mga talakayan at mga pagsusumikap nito sa kabuuan man lamang ng nabanggit na panahon, at tutulong din sa mga gawain ng DDDD*. Gaya ng lahat ng kasapi ng SanibLakas, nakikiisa ako sa mga paninindigan at gawain ng SYCONE-Humanity**, Kampanyang Balik-Bayanihan**, Kaisari**, at Lambat-Liwanag** na nakatuon sa EEEE*.

Kusang gagamitin ko ang lahat ng pagkakataon upang alamin ang mga bagay na nasangkot sa mga ito, upang maipalaganap nang malawak ang mga pahayag/paninindigan ng SanibLakas at ng mga kasaping-samahan nito, at upang makapagsagawa ng mga pag-uulat sa organisasyon ukol sa pagtupad ko ng mga gawain at tungkulin sa SanibLakas.

Ang nauuna rito ay malaya at taimtim kong ipinapahayag, sa ngalan ng aking karangalan. Pagtiwalaan at tanggapin nawa ako ng aking mga kababayan at mga kapwa-taong kasanib-lakas, at kasihan nawa ako ng Bathalang Maykapal.

Nagpapatala upang ituring akong teknikal na kalahok ng 3rd General Assembly, Nov. 20, 2010, kahit hindi ako pisikal na makadalo rito.

“Pinaka-lagda”: Buong pangalan, sinusundan ng email address; o aktwal na lagda

[Kasunod na ibigay ang kaukulang impormasyon: buong pangalan; petsa ng kapanganakan; propesyon/okupasyon; estado-sibil; buong tirahan (pwedeng padalhan ng sulat sa pahatirang publiko/koreo o pribado/pangkomersyo), mga numero ng telepono (landline at/o mobile), e-mail address, at iba pang mapagdadaluyan ng komunikasyon.]

Mga Paliwanag:

*AAAA – simpleng ipalit ang pormal na panglan

*BBBB – bayan/syudad at probinsya, na tinitirhan at/o pinamamalagian nang matagal.

*KKKK – napiling kasaping samahan ng SanibLakas na pagtutuunan ng mga gawain.

*DDDD – napiling iba pang kasaping samahan na kasasangkutan/lalahukan din.

*EEEE – partikular na Empowering Paradigm na kasasangkutan/lalahukan sa pagpapaunlad at pagpapalaganap sa kamalayan ng mamamayan at mga institusyon.

*SYCONE-Humanity -- kasaping samahan ng SanibLakas na nakatuon sa kaisahan at pagkakapangtay-pantay ng dignidad ng buong Sangkatauhan; mag-aaktibo rito ang lahat ng kasapi ng SanibLakas na may kaibigang mga tagaibang-bansa.

*Balik-Bayanihan – kampanya ng lahat ng kasapi ng SanibLakas na nagmamalasakit sa mga mamamayang Pilipino upang maibangon ang dignidad, ginhawa at aktwal na katayuan ng bansa. Bawat isa’y tutulong din sa Kilusang Lakas-Pamayanan.

*Daluyan ng pagkakaisa ng lahat ng kasapi ng SanibLakas sa paninindigang ang lahat ng kasarian ay kilalaning pantay at nagkakaisa sa kabila ng mga pagkakaiba-iba.

*Lambat-Liwanag – kasaping samaan ng SanibLakas na kinasasapian din ng bawat kasapi ng SanibLakas dahil lahat ay may maisusulong na pananaw sa lipunan.

No comments: