Sarili mong dal'wang mata
Ay magkaiba ang nakikita
Makakayanan mo na kaya
Na paniwalaang kapwa tama
Ang tunay na namamasid nila
Kahit talaga ngang magkaiba?
Ang sabi ng kanan mong mata
Ilong mo ay nasa kaliwa niya.
Hindi! Nasa kanan ko! Ang wika
Naman ng iyong mata sa kaliwa!
Alin sa mga mata na parehong iyo
Ang mapipiling mas paniwalaan mo?
O mapipilitan ka na bang maniwala
Na ang talaga namang nakikita
Ng magkaibang punto-de-bista
Ay maaaring mga bahagi ng katotohanan
Na magkaiba nga ngunit kapwa tama?
Matinding pagtatalo, dapat pa nga ba?
--Balani Bagombuhay
Disyembre 20, 2011
.
Iba pang mga Aral ng "BALANI":
13. Dakilang-Ina-Tagahubog-ng-Kabayanihan
http://readdingz.blogspot.com/2011/12/balani-13-dakilang-ina-tagahubog-ng.html
12. Kamalaysayan-ng-Balani
http://readdingz.blogspot.com/2011/12/balani-12-kamalaysayan-ng-balani.html
11. Balani'y-Kilalanin-Ipakilala-Ayunan-Pa
http://readdingz.blogspot.com/2011/12/balani-11-balaniy-kilalanin-ipakilala.html
10. Kaalaman-ukol-sa-Kaalaman
http://readdingz.blogspot.com/2011/12/balani-10-kaalaman-ukol-sa-kaalaman.html
9. Saligang-Aral-Pagiging-Tao
http://readdingz.blogspot.com/2011/12/balani-9-saligang-aral-pagiging-tao.html8. Tunay-Limitasyon-Lumalaking-Kakayahan
http://readdingz.blogspot.com/2011/12/balani-8-tunay-limitasyon-lumalaking.html
7. Sanib-Loob-Kamalayang-Iisa
http://readdingz.blogspot.com/2011/11/balani-7-sanib-loob-kamalayang-iisa.html
6. TIWALAAN -- Kailangan ng Bayanihan
http://readdingz.blogspot.com/2011/11/balani-6-tiwalaan.html
5. “Prinsipyo, Pamayanan, at mga Kaanib ng SanibLakas
http://readdingz.blogspot.com/2011/11/balani-5-prinsipyo-pamayanan-at-mga.html
4. “Paglikha ng Karagdagang Lakas ang Pagsa-SanibLakas
http://readdingz.blogspot.com/2011/11/balani-4-paglikha-karagdagang-lakas.html
3. “Kalooban ang Talagang Mauuna sa Anumang Pagsa-SanibLakas…”
http://readdingz.blogspot.com/2011/11/balani-3-kalooban-talagang-mauuna.html
2. “Kusang-loob Kong Babasahin ang mga Aral ng Balani…”
http://readdingz.blogspot.com/2011/11/balani-2-pagkukusa-mga-aral.html
1. “Saligang Aral ng Balani: Kaisahan ng Kabuuan at Bahagi”
http://readdingz.blogspot.com/2011/11/balani-1-kabuuan-bahagi.html
--Balani Bagombuhay
12-20-2011
No comments:
Post a Comment