Tuesday, November 15, 2011

BALANI-4-Paglikha-Karagdagang-Lakas


.......BA...........LA..............NI.......


4. KARAGDAGANG LAKAS ANG NALILIKHA NG PAGSASANIB-LAKAS!

"Natatawag na 'Himala' o 'Mahika' ang Pagsasanib-Lakas (“synergy” o “synergism”) sapagkat ito ay Lumilikha ng Lakas mula sa dating salat o 'Parang Wala.' Ang nalilikha naman, sa katunayan, ay dagdag na lakas. Hindi ito makakalikha ng lakas mula sa talagang wala.

"Sa pagsasanib-sanib ng mga miyembro ng isang koponan o "team players," ang lakas na iniaambag ng bawat isa ay nadaragdagan, napag-iibayo, lumalaki. Halimbawa, ang dating kakayahang pang-iisang tao ay maaaring maging kakayahang pang-isa't kalahating tao, depende sa higpit at kalidad ng pagsasanib. Kapag ganito ang mangyari, ang kakayahang pang-dalawang tao ng dalawa ngang tao, ay magagawang kakayahang pang-tatlong tao ng dadalawang tao. Dito nagmumula ang isang pormula ng Pagsasanib-Lakas, sa wikang Inggles, na "One plus one equals three.

"Dito rin nanggagaling ang kasabihan, sa wikang Inggles pa rin, na " in Togetherness, Everyone Achieves More (T.E.A.M.) o "Sa pagsasama-sama, bawat isa ay may mas malaking nagagawa." Ito ang pinakasaligang katotohahanan ng spiritwal at syentipikong prinsipyo ng SanibLakas! Kapag ganap nating matutunan ang prinsipyong ito, malaking tulong ito sa ating buhay.

Habang di natin natututunan at mulat na ginagamit, ito ay patuloy nating sinasayang lamang. Katunayan naman, ito ang nasa likod ng kulturang Bayanihan na isinabuhay ng ating dakilang lahi nang ilang libong taon!

"Kaya't sama-sama nating pag-aralan at pagtulung-tulungan nating ibahagi sa aitng kapwa ang napakahalagang aral na ito para sa Sangkatauhan."

--Balani Bagombuhay (dating 'Balani Bagumbayan')
...ng Pamayanang Saniblakas ng Pilipinas
...nasa Zambales o nasa Kamaynilaan, Pilipinas
...11-16-11

Iba pang mga Aral ng "BALANI":

3. “Kalooban ang Talagang Mauuna sa Anumang Pagsa-SanibLakas…”
http://readdingz.blogspot.com/2011/11/balani-3-kalooban-talagang-mauuna.html

2. “Kusang-loob Kong Babasahin ang mga Aral ng Balani…”
http://readdingz.blogspot.com/2011/11/balani-2-pagkukusa-mga-aral.html

1. “Saligang Aral ng Balani: Kaisahan ng Kabuuan at Bahagi”
http://readdingz.blogspot.com/2011/11/balani-1-kabuuan-bahagi.html

=
=
=

No comments: