Sunday, November 27, 2011

BALANI-6-TIWALAAN


T.I.W.A.L.A.A.N,
KAILANGAN-KAILANGAN SA BAYANIHAN
"Kailangang-kailangan ng Bayanihan ang TIWALAAN. Tayo'y magiging ganap na mapagtiwala lamang sa kapwa kung tayo'y magiging katiwa-tiwala. Makaaasa tayong makikipagkapwa-tao sa atin ang ating mga kapwa, kung tayo'y magpapakatao tuwina sa piling nila. Kung may bagay na sapat na mahalaga upang pagkaabalahan nating ipangako pa, lubhang mahalaga ang paniniyak na matupad sa pangakong iyon.... Ating pakatandaan: Kung ano ang ating ihinahasik, humanda tayong iyon din ang sa ati'y babalik.
Kailangang maitayo ang tiwalaan bilang napakatibay na muog sa araw-araw na karanasan, at pakaingatang huwag itong malamatan kahit bahagya man lamang. Ang pagtatraydor ninuman sa pagtitiwala ng kapwa ay mapapatawad naman, ngunit napakahirap nang ito ay kayanin pang malimutan.
Mahalagang maisaulo ang mga paalalang ito ng BALANI. Ngunit higit pang mahalaga na ang mga ito'y makayanan nating maisapuso, upang sa araw-araw ay ating maisabuhay!
(kung maaari po'y basahing muli nang dalawa pang ulit ang mga paalalang ito ng inyong kababayang si Balani Bagombuhay. Salamat po!

--Balani Bagombuhay (dating 'Balani Bagumbayan')
...ng Pamayanang Saniblakas ng Pilipinas
...nasa Zambales o nasa Kamaynilaan, Pilipinas
...11-28-11

Iba pang mga Aral ng "BALANI":

9. Saligang-Aral-Pagiging-Tao

http://readdingz.blogspot.com/2011/12/balani-9-saligang-aral-pagiging-tao.html

8. Tunay-Limitasyon-Lumalaking-Kakayahan
http://readdingz.blogspot.com/2011/12/balani-8-tunay-limitasyon-lumalaking.html

7. Sanib-Loob-Kamalayang-Iisa

http://readdingz.blogspot.com/2011/11/balani-7-sanib-loob-kamalayang-iisa.html

6. TIWALAAN -- Kailangan ng Bayanihan

http://readdingz.blogspot.com/2011/11/balani-6-tiwalaan.html

5. “Prinsipyo, Pamayanan, at mga Kaanib ng SanibLakas

http://readdingz.blogspot.com/2011/11/balani-5-prinsipyo-pamayanan-at-mga.html

4. “Paglikha ng Karagdagang Lakas ang Pagsa-SanibLakas
http://readdingz.blogspot.com/2011/11/balani-4-paglikha-karagdagang-lakas.html

3. “Kalooban ang Talagang Mauuna sa Anumang Pagsa-SanibLakas…”
http://readdingz.blogspot.com/2011/11/balani-3-kalooban-talagang-mauuna.html

2. “Kusang-loob Kong Babasahin ang mga Aral ng Balani…”
http://readdingz.blogspot.com/2011/11/balani-2-pagkukusa-mga-aral.html

1. “Saligang Aral ng Balani: Kaisahan ng Kabuuan at Bahagi”
http://readdingz.blogspot.com/2011/11/balani-1-kabuuan-bahagi.html

No comments: