Friday, November 18, 2011

BALANI-5-Prinsipyo, Pamayanan, at mga Kaanib ng Sanib-Lakas


PRINSIPYO, PAMAYANAN,
AT MGA KAANIB
NG SANIB-LAKAS!

Ang PAMAYANANG SANIBLAKAS ay isang bukluran ng mga Pilipino at iba pang taong ang bawa’t isa ay (1) nagpasya nang magkusang magsikap na aktibong mapag-aralan at maipalaganap ang prinsipyo ng pagsasanib-lakas ("SYNERGISM PRINCIPLE");....... at (2) nagpasya ring magkusang tumulong sa pagbubuo at mabisang pagpapalakas ng aktwal na mga pagsasanib-lakas sa hanay ng Sambayanan at ng Sangkatauhan.

Ang tatag ng kalooban sa ganitong personal na kapasyahan ay mapapatunayan ng bawat isa sa pamamagitan ng kanyang palagiang determinasyong isagawa ang dalawang gawaing ito, determinasyong maipakikita ayon sa kasabihang “kung talagang nais gawin, marami ang malilikhang paraan; kung hindi naman sapat na nais gawin, marami rin ang maidadahilan.

Lahat ng magnanasang pumaloob sa Pamayanang SanibLakas ng Pilipinas ay tatanggaping kaanib sa kilusan ng bukluran ng mga kusang-loob na magsasagawa ng dalawang gawaing ito at mahigpit na makikipag-ugnayan at makikipagtulungan sa iba pang kaanib at kaibigan ng Pamayanan.

Ang kagustuhang ipagtagumpay ang paglaganap ng prinsipyo ng pagsasanib-lakas at pagbubuo at pagpapalakas ng mga aktwal na pagsasanib-lakas ay maisusulong lamang natin sa pamamagitan ng aktwal na mga pagsisikap at hindi sa pamamagitan lamang ng mga pagbabalak, pangangako at pagdadahilan. Maaaring hindi agad dumami ang mga kaanib ng Pamayanang SanibLakas, ngunit mabuti nang panatiliin nating batay sa personal na pagkukusa ang pagpasok ninuman sa bukluran nating ito.

Dahil dito, wala tayong pipilitin o mariing pakikiusapan man lamang na umanib sa SanibLakas. Tiyak namang darating ang tamang panahon, bunga ng aktwal na mga pagsisikap ng naunang mga naging tunay na kaanib at nanatiling mga tunay na kaanib, na darami na ang mga magnanais umanib sa ating Pamayanang SanibLakas at tunay na mag-aktibo rito.

Buo ang ating pananampalataya na itutulot ito ng Dakilang Bathala ng Kasaysayan!


--Balani Bagombuhay (dating 'Balani Bagumbayan')
...ng Pamayanang Saniblakas ng Pilipinas
...nasa Zambales o nasa Kamaynilaan, Pilipinas
...11-18-11

Iba pang mga Aral ng "BALANI":

9. Saligang-Aral-Pagiging-Tao

http://readdingz.blogspot.com/2011/12/balani-9-saligang-aral-pagiging-tao.html

8. Tunay-Limitasyon-Lumalaking-Kakayahan
http://readdingz.blogspot.com/2011/12/balani-8-tunay-limitasyon-lumalaking.html

7. Sanib-Loob-Kamalayang-Iisa

http://readdingz.blogspot.com/2011/11/balani-7-sanib-loob-kamalayang-iisa.html

6. TIWALAAN -- Kailangan ng Bayanihan

http://readdingz.blogspot.com/2011/11/balani-6-tiwalaan.html

5. “Prinsipyo, Pamayanan, at mga Kaanib ng SanibLakas

http://readdingz.blogspot.com/2011/11/balani-5-prinsipyo-pamayanan-at-mga.html

4. “Paglikha ng Karagdagang Lakas ang Pagsa-SanibLakas
http://readdingz.blogspot.com/2011/11/balani-4-paglikha-karagdagang-lakas.html

3. “Kalooban ang Talagang Mauuna sa Anumang Pagsa-SanibLakas…”
http://readdingz.blogspot.com/2011/11/balani-3-kalooban-talagang-mauuna.html

2. “Kusang-loob Kong Babasahin ang mga Aral ng Balani…”
http://readdingz.blogspot.com/2011/11/balani-2-pagkukusa-mga-aral.html

1. “Saligang Aral ng Balani: Kaisahan ng Kabuuan at Bahagi”
http://readdingz.blogspot.com/2011/11/balani-1-kabuuan-bahagi.html

No comments: