Diwa ng Balani sa Kasaysayan ng Lahi
Pagmunihan sana nating malaliman at mabuti
Sabi ng iba, Kasaysayan ay isang pag-aaksaya
Ng oras, pansin sa mga lubusang tapos na,
Kung bakit daw pinagkaka-abalahan pa
Ang mga bagay na panís at patay na?
Wika ng Balani, buháy itong alaala,
Hindi ukol lamang sa nakalipas,
Kundi sa hugis ng mga landas,
Mula sa Kahapon tungong Ngayon
At tungo sa hinaharap nating Bukas,
Ayon sa kasalukuyang pasya’t likha
Ng mga nakauunawa at gumagawa,
Mula sa talagang mga pinag-uugatan
Tungo sa piniling mga kahihinatnan
Kasaysayan ay tunay nating inaakda,
Sa sama-sama nating malay, at gawa.
Kaya’t sa Kasaysayan, walang sisihán!
Payak na pagmememorya ay kalimutan,
Buhayin ang Kamalayán sa Kasaysayan!
.
Balani Bagombuhay
Disyembre 18, 2011
.
Iba pang mga Aral ng "BALANI":
11. Balani'y-Kilalanin-Ipakilala-Ayunan-Pa
http://readdingz.blogspot.com/2011/12/balani-11-balaniy-kilalanin-ipakilala.html
10. Kaalaman-ukol-sa-Kaalaman
http://readdingz.blogspot.com/2011/12/balani-10-kaalaman-ukol-sa-kaalaman.html
9. Saligang-Aral-Pagiging-Tao
http://readdingz.blogspot.com/2011/12/balani-9-saligang-aral-pagiging-tao.html8. Tunay-Limitasyon-Lumalaking-Kakayahan
http://readdingz.blogspot.com/2011/12/balani-8-tunay-limitasyon-lumalaking.html
7. Sanib-Loob-Kamalayang-Iisa
http://readdingz.blogspot.com/2011/11/balani-7-sanib-loob-kamalayang-iisa.html
6. TIWALAAN -- Kailangan ng Bayanihan
http://readdingz.blogspot.com/2011/11/balani-6-tiwalaan.html
5. “Prinsipyo, Pamayanan, at mga Kaanib ng SanibLakas
http://readdingz.blogspot.com/2011/11/balani-5-prinsipyo-pamayanan-at-mga.html
4. “Paglikha ng Karagdagang Lakas ang Pagsa-SanibLakas
http://readdingz.blogspot.com/2011/11/balani-4-paglikha-karagdagang-lakas.html
3. “Kalooban ang Talagang Mauuna sa Anumang Pagsa-SanibLakas…”
http://readdingz.blogspot.com/2011/11/balani-3-kalooban-talagang-mauuna.html
2. “Kusang-loob Kong Babasahin ang mga Aral ng Balani…”
http://readdingz.blogspot.com/2011/11/balani-2-pagkukusa-mga-aral.html
1. “Saligang Aral ng Balani: Kaisahan ng Kabuuan at Bahagi”
http://readdingz.blogspot.com/2011/11/balani-1-kabuuan-bahagi.html
No comments:
Post a Comment