Monday, December 5, 2011

BALANI-10-Kaalaman-Ukol-sa-Kaalaman

.
SIMPLENG KAALAMAN UKOL SA KAALAMAN

(Isang Tanong sa Sampung Saknong)
Minsa'y aking nabasa, ilang sukat at tugma
Ni Katalino Maylayon, na sumulat, kaytagal na:

Tanong ng kasamang giya
Sa tatlong kaharap niya,
“Paano,” anya, “nagkakaiba-iba
Ang ‘Alam,’ ‘Ewan’ at ‘Akala’?”

“Paano nga ba?”
Bulong ng una.
Alam niyang di niya alam,
Sabihin nang ewan niya.

“Pare-pareho sila!”
Sagot naman ng ikalawa.
Di raw magkakaiba:
Iyon ang akala niya.

Ikatlo’y nagwika ng ganito:
‘Pag alam, ang nasa isip ay tama;
Ang ewan ay kawalan – blangko;
Maling kaisipan naman ang ‘‘akala.”

At ‘dinugtong pa niya
Na lubhang mahalaga
Ang pagkakaiba-iba
Ng tatlo sa isa’t isa

“Habang napagkakamalan
Na alam daw ang akala,
Ibinubunga ay kamalian,
Kabiguan o pinsala.

“Ang ewan naman
Sa bagay na mahalaga,
Nag-aanyaya ng pag-alam
At pagsusuri pa.

“Ang alam nama’y batayan
Ng matagumpay na hakbang;
Buhay na karanasan
At pagsusuri ang laman

“Iba-iba nga sila, at pati na:
Ang hula, haka-haka at tantya,
Ang yata, dapat at sana,
Ang tiyak, malamang at baka.”

Sabi ng giya, “Wasto, ganoon nga!
Mahalagang kasaguta’y
Masasabing alam niya.”
Sa tingin mo naman, tama ba sila?

Katalino Maylayon
Agosto 1981
.

Iba pang mga Aral ng "BALANI":

9. Saligang-Aral-Pagiging-Tao

http://readdingz.blogspot.com/2011/12/balani-9-saligang-aral-pagiging-tao.html

8. Tunay-Limitasyon-Lumalaking-Kakayahan
http://readdingz.blogspot.com/2011/12/balani-8-tunay-limitasyon-lumalaking.html

7. Sanib-Loob-Kamalayang-Iisa

http://readdingz.blogspot.com/2011/11/balani-7-sanib-loob-kamalayang-iisa.html

6. TIWALAAN -- Kailangan ng Bayanihan

http://readdingz.blogspot.com/2011/11/balani-6-tiwalaan.html

5. “Prinsipyo, Pamayanan, at mga Kaanib ng SanibLakas

http://readdingz.blogspot.com/2011/11/balani-5-prinsipyo-pamayanan-at-mga.html

4. “Paglikha ng Karagdagang Lakas ang Pagsa-SanibLakas
http://readdingz.blogspot.com/2011/11/balani-4-paglikha-karagdagang-lakas.html

3. “Kalooban ang Talagang Mauuna sa Anumang Pagsa-SanibLakas…”
http://readdingz.blogspot.com/2011/11/balani-3-kalooban-talagang-mauuna.html

2. “Kusang-loob Kong Babasahin ang mga Aral ng Balani…”
http://readdingz.blogspot.com/2011/11/balani-2-pagkukusa-mga-aral.html

1. “Saligang Aral ng Balani: Kaisahan ng Kabuuan at Bahagi”
http://readdingz.blogspot.com/2011/11/balani-1-kabuuan-bahagi.html


No comments: