Kilala na ba natin nang maigi
Ang isang magneto o Balani?
Ang Balani ay di pangunahing umaakit
Ng mga piraso’t bahagi na dito’y didikit,
Kundi mula sa kahit napakalayo’y pinaaayon
Niya ang iba sa direksyon ng kanyang diwa,
Sa direksyon ng panloob niyang enerhiya,
Na itinutulak ng ikot ng kanyang mga atomo,
Pag-ayon na ang bunga’y pagsasanib, pag-iibayo,
Ng kabuuang angking lakas ng Balani at lahat
Ng kanyang mga kaayon. Diwa’t direksyon
Nilang lahat ay pagbubuo at pagpapahigpit pa
Ng tunay na Kaisahan, ayon sa disenyong
Itinakda ng sa buong Sangnilikha ay Nag-akda!
-
Balani Bagombuhay
Disyembre 16, 2011
.
Iba pang mga Aral ng "BALANI":
10. Kaalaman-ukol-sa-Kaalaman
http://readdingz.blogspot.com/2011/12/balani-10-kaalaman-ukol-sa-kaalaman.html
9. Saligang-Aral-Pagiging-Tao
http://readdingz.blogspot.com/2011/12/balani-9-saligang-aral-pagiging-tao.html8. Tunay-Limitasyon-Lumalaking-Kakayahan
http://readdingz.blogspot.com/2011/12/balani-8-tunay-limitasyon-lumalaking.html
7. Sanib-Loob-Kamalayang-Iisa
http://readdingz.blogspot.com/2011/11/balani-7-sanib-loob-kamalayang-iisa.html
6. TIWALAAN -- Kailangan ng Bayanihan
http://readdingz.blogspot.com/2011/11/balani-6-tiwalaan.html
5. “Prinsipyo, Pamayanan, at mga Kaanib ng SanibLakas
http://readdingz.blogspot.com/2011/11/balani-5-prinsipyo-pamayanan-at-mga.html
4. “Paglikha ng Karagdagang Lakas ang Pagsa-SanibLakas
http://readdingz.blogspot.com/2011/11/balani-4-paglikha-karagdagang-lakas.html
3. “Kalooban ang Talagang Mauuna sa Anumang Pagsa-SanibLakas…”
http://readdingz.blogspot.com/2011/11/balani-3-kalooban-talagang-mauuna.html
2. “Kusang-loob Kong Babasahin ang mga Aral ng Balani…”
http://readdingz.blogspot.com/2011/11/balani-2-pagkukusa-mga-aral.html
1. “Saligang Aral ng Balani: Kaisahan ng Kabuuan at Bahagi”
http://readdingz.blogspot.com/2011/11/balani-1-kabuuan-bahagi.html
No comments:
Post a Comment