Saturday, April 17, 2010

MAGANDANG LABAN... AT PANLABAN

MAGANDA NATING PANLABAN
SA MAGANDANG LABAN
AY MAGANDANG PAGKATAO,
TUMATAGOS PA SA ANYO...

ganda ni Bb. RISA,
ating kandidata
sa pagka-senadora,
pangunahi'y sa pagkatao,
sa katangian, kalooban niya--
subok nang talino, kabayanihan,
taos na malasakit sa taumbayan,
sipag, tapang, at pakumbaba,
alay niyang kaytagal na
sa mahal na Inang Bansa.

itong ganda rin niya
ay tumatagos nga
sa maamong mukha;
di naman ito ang sa kanya
ay pinakamahalaga,
kundi ang sikap na lahat tayo'y
lumaya, guminhawa, lumigaya!
ikampanya natin at iboto si Risa,
ang bayaning pinagpala!

["no. 20" po sa listahan sa balota ang pangalan ni
RISA HONTIVEROS -- Ana Theresia Hontiveros-Baraquel
Magandang panlaban sa Magandang Laban -- Gawin nating senadora!]

abril 18, 2010
--ding reyes
ng subic, zambales

No comments: