Thursday, January 21, 2010

Gayahin ang Bayani; Wag Magningas-kugon, Wag maging Kimi

May "tula" akong nabuo para sa ating mga kaanib na ng Cause group na ito ("Rep.Risa Hontiveros, ang type kong pulitiko") AT para sa mga di pa sumasali: pag-isipan po sana natin at kagyat na aksyunan ito (tatlo't kalahating buwan na lang, eleksyon na!):

"Wag tayong maging kimi! /
Tahasang ikarangal ang kandidatang bayani! /
Huwag magpakakimi /
Huwag magningas-kugon /
Upang adhikain nati’y /
Ganap ngang maisulong! /

Ipakilala sa malakas na tinig /
Nang may buong pagmamalaki— /
Karapat-dapat nga sa Senadong /
Pusisyon itong babaing kampeon! /
Bawa’t araw at linggo ay magparami tayo /
Ng Mangangampanya, di lang ng boboto! /

Wag na wag tayong titigil /
Papainit pa lang ng laban /
Sa Risa mismo ang ating tularan, /
Tagumpay niya kung tayo ri’y mga bayani! /
Hindi magniningas-kogon, at hindi mga kimi! /
Kapag si Risa at Akbayan ang lumaban, /
Ang magwawagi ay ang Sambayanan!" //

ding reyes
subic, zambales
01-20-2010

(magawa sana ng bawat myembro ng Cause group ng "Rep. Risa Hontiveros, ang tipo kong Pulitiko" ang magdagdag ng tigatlo man lamang na aktibong mangangampanya bawat sa linggo at ito ay magawa rin ng mga maidaragdag na ito. )



No comments: