Monday, January 3, 2011

"SING OUT our Love, Peace, Joy" -- ginawang Tula

Mga Kapatid,
.
Yayamang hinihilingan tayong lumikha ng lyrics para sa bagong mga kanta bilang pagsuporta sa proyektong SING OUT 2011, Ang panawagang "SING OUT our LOVE, PEACE, JOY!" ay aking kinatha bilang isang tula sa sariling wika...
.
Sana'y may makapaglapat ng musika, upang maging awit itong tula! Sa pinakamaraming makakaya'y ipapaabot ko ito, ako sana'y matulungan n'yo sa ganito, upang ang tulang ito at ang takdang kompositor ng tono ay mangyaring magkatagpo...



Halina, halina!
Umawit tayong may galak!
Pagmamahalan, Kapayapaan,
...at Kaligayahan,
Pagsasaluhan na ng lahat!
.
Sa buong daigdig, mananaig
...ang pag-ibig,
ang kusang pagsasanib,
ang kaisahang mulรกt!


Halinang magsanib-tinig
sa bagong diwa at himig!

--balani bagumbayan
enero 3, 2011 (reedited enero 5, 2011)
makati, pilipinas


please see also these blog postings:
... http://readdingz.blogspot.com/2010/12/sing-out-our-love-peace-joy.html
... http://readdingz.blogspot.com/2010/12/call-for-creating-lyrics-for-love-peace.html

No comments: